-5-

4 1 0
                                    







SEY'S POV



MATAPOS NAMIN MARINIG ang sigaw ni Thelle sa labas ay dali-dali akong tumayo saka lumabas. Baka kung ano na ginagawa nung mga yon sa bahay namin. "Kalliste, uuwi na daw sila, ihatid nyo sila dun sa may gate." sabi ni Dad at nakita ko naman sila Axel na nakatayo lang. ano naman kaya ginawa nila kay Axel???.... kahit pa may gusto akong itanong ay sumenyas na ako na lalabas na kami kaya nauna na silang bumaba ng hagdan. Haggang sa makalabas ay tahimik si Axel kaya hindi ko alam ang sinabi nila Dad sakanya. "Axel--- Sir. Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko at tumango naman sya. "Ano ba yon?" tanong nya. "Anong sinabi nila Daddy sayo?" tanong ko at natawa naman sya. Eh??? "akala ko naman kung anong bumabagabag sayo... they just ask me kung sino ako sayo, kung ano kita, saka may nashare sila na kaunti tungkol sa inyo nung ex mo." sabi nya at hindi naman ako nakakilos kaagad. "nagtanong ka?" tanong ko at tumango sya. Hindi basta-basta magkukwento sila Daddy tungkol sa ganon kaya imposibleng hindi sya nagtanong. "Anong sabi nila?" tanong ko. "Na... masaya naman kasi kayo talaga dati kaso yun nga... yun lang yung sinabi nila sakin kasi gusto nila na ikaw mismo magsabi sakin.." sabi nya. 







"Maghanda ka bukas..." panimula nya kaya ako napalingon sa kanya."Simula na nang tunay mong trabaho bukas." sabi ni Axel saka kumindat. parang napuwing lang ah? 







"whatever." sabi ko saka lumapit kila Mori at saka ako nagpaalam kay Aidan at pumasok na ako sa loob. Sumunod sakin si Mori na pilit na tinatanong kung anong sinabi ni Axel. "Wala naman masyado. Magsisimula na daw yung trabaho ko bukas." sabi ko. Umiling nalang sya saka kami pumasok ng tuluyan sa loob. "Tita ok lang po ba na dito po muna kami matutulog?" tanong ni Mori kay Mom. "halos lagi naman kayong natutulog dito kaya syempre ok lang. Dun ba kayo sa kwarto ni Sey?" tanong ni Mom. "opo, dun nalang po." sabi ni Mori saka ako hinatak papasok sa kwarto ko. "Wait lang may hihiramin lang ako kay Kuya." sabi ko at sakto naman pumasok sila Adara, Therese, Thelle, saka si Xellie. Paglabas ko ay dumiretso ako sa kwarto ni Kuya na ubod ng linis akala mo walang gumagamit. "Kuya?" tawag ko nung maisara ko ang pinto. Lumabas ito galing ng banyo habang pinupunasan ang kanyang buhok. "Alam kong gwapo ako kaya ano ba yon?" tanong nya.  "Excuse me. Sinong nagsabing gwapo ka? ni hindi mo nga kamukha si Daddy eh, baka nga ampon ka eh." sabi ko. apakahangin kahit kailan. "kamukhang kamukha ko si Daddy, ikaw siguro yung ampon." sabi nya at kumunot naman yung noo ko. "si mommy yung kamukha ko. edi hindi tayo ampon... basta hindi ka gwapo." sabi ko. "ano ba yon?" tanong nya sakin. Naglakad ako papalapit sa kama nya saka umupo don. "Hihiramin ko lang yung airpods mo." sabi ko. Sinusubukan ko nang magmadali dahil tinititigan na ako ni Kuya. Once na titigan nya ako alam nya na na nagkita kami ni Azsher kanina. "you... cried?" tanong nya at umiwas naman ako ng tingin. "Ambagal naman kumilos, Kuya pahiram kasi, or di kaya yung bluetooth speaker mo nalang. yung bilog." sabi ko saka luminga-linga. "Sey, why?" tanong nya ulit habang nakatayo at nakatingin sakin habang ako palinga-linga lang. 







"Kuya---" naputol yung sasabihin ko nung biglang magsalita sya. "Thilaine... nagkita kayo?"  tanong nya at tumigil na ako sa kalilinga at saka tahimik na tumango. "Nag-usap lang kami. Sinabi ko lang na ayaw ko na ng gulo nang dahil kay Farah saka maging masaya nalang sya." sabi ko. Bumuntong-hininga naman sya. "hindi ko naman gusto na magkita kami ulit sadyang parang inuulit nya lang kasi yung nangyari dati." sabi ko saka tumayo at kinuha yung bluetooth speaker nya. "pahiram ah." sabi ko, nagmamadali. Pagkalabas ko ng kwarto nya ay isang matunog na buntong-hininga ang pinakawalan ko. wala na yung Sey na nagpauto sayo, Azsher. Matagal na syang wala... 







Serving The Bully (Secret Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora