final

317 14 7
                                    

note: lowercase intended.

walang permanente sa mundo.

lahat ng bagay na nakikita ng hubad na mata ay nagbabago.

gaya ng paglipas ng oras na hindi pwedeng pigilan.

kahit pa piliin mong magpalamon sa isang mapait na karanasang halos tupukin ang iyong pagkatao, hindi ito hihinto para sa iyo.

kapag hinayaan mong tangayin ka ng along dala nito, ikaw ang talo. wala kang ibang maaaring sisihin kung hindi ang sarili mo lang.

kaya ang nararapat lamang na gawin ay matutong umangkop, na kahit gaano pa kahirap, tanggapin mo na walang mananatili sa kung ano sila ngayon.

buhay.

ugali.

at nararamdaman ng tao.

bagamat nakatanim na sa 'king kokote ang katotohanang 'yon, may isang bagay talaga na kahit pilit ko mang tanggapin ay hindi ko magawa.

hindi naman dahil sa umaakto akong parang batang natalo sa isang larong kalye kaya hindi ko pa matanggap. marami pa kasing mga katanungan na naglalaro sa 'king isipan.

bakit nawala?

bakit hindi mo inamin agad?

hindi na ba pwedeng maibalik?

mga katanungan hindi ko alam kung mabibigyan pa ba ng kasagutan dahil masyado akong duwag para itanong 'yon mismo.

ang kaya ko lang gawin sa ngayon ay magpanggap na hindi na ako apektado, na wala na sa 'kin ang mga nangyari.

doon naman kasi ako mahusay.

sa pagpapanggap.

"alam mo bang halos isang oras na tayong naririto sa library at halos isang oras ka na ring mukhang wala sa sarili? parang nakikipag-usap ako sa sarili ko e."

napakamot ako sa 'king batok sa hiya. "sorry, ning. may mga iniisip lamang ako."

"bakit pa nga ba ako nagtanong?" aniya at saka umirap. "kung siya na naman ang iniisip mo, mabuti pang itigil mo na. dalawang taon na ang nakalilipas, winter. kung sakali lang na hindi mo alam, pwedeng-pwede kang umusad at umahon diyan sa karagatan na 'yong kinalulunuran."

napangiti ako nang mapakla. alam ko naman 'yon kahit hindi niya sabihin. sa lahat ng tao, ako ang pinakanakakaalam niyon.

ilang beses ko namang sinubukan na bitawan na ang nararamdaman ko pero mas madali kasing sabihin 'yon kaysa aktwal na gawin.

hindi naman kasi katulad ng laman ng flash drive ang nararamdaman ng tao na pwedeng burahin kailanman gustuhin.

sa nakalipas na dalawang taon na sinubukan ko na umusad ay wala naman akong nakuhang magandang resulta rito. sa nangyari, parang pinilit ko lang ang sarili ko na hindi pa naman talaga handang bumitaw. pakiramdam ko tuloy nagsayang lang ako ng oras para sa kalokohan na 'yon dahil nanatili akong nakakulong sa selda ng aking nararamdaman. hanggang sa napagdesisyunan ko na huwag na lang itong pagtuonan ng pansin. baka sa ganitong paraan, kusa na lang na mawala.

kismet. [winrina]Where stories live. Discover now