KABANATA 5

71 3 0
                                    

"Manang"

Agad pumaripas ng takbo si ale eugine "po sir ?"

"bakit may dala kang kutsilyo ? Papatay ho ba kayo?"

"nako sir hindi naghihiwa po kase ako ng mga sangkap dun "

"a ganun ba sige manang utusan mo na lang si miss velasquez dun sa taas sabihin mo magdala ng wine tas si viceral na din "

"si-sige po" hala ginoo seryoso talaga si boss lagot ka regina encarnacion

Agad nagtungo si eugine sa maids quarter kung san naron si viceral at regine

"hoy kayong dalawa tawag kayo ni sir"

"nako lagut " ani regine

"ikaw kase bakla apaka walang kwenta ng mga biro mo pati ako nadamay may hang over pa ako e"

"halika na arte arte mo samahan mo ako!"

"ayoko ikaw na lang kaya mo yan "

"vakla sige na please samahan mo ako bibigyan kita ng lipstick ko promise "

"promise?"

"oo halika na"

"tseeee ikaw na lang kase ikaw lang naman nag biro e mark your wordsssssssss kahit anong sabihin mo kahit bigyan mo pa ako ng lipstick mo ayoko savog savog talaga ako ngayon"

Sumimangot siya saka nag tungo sa kusina para kumuha ng inumin bago umakyat sa taas

Kumatok muna siya bago buksan ang pinto
"may hang over pa daw po si viceral sir " nayuko niyang sabi

"okay come in" sabay muwestra ng kamay niya sa loob

"sir pwede po bang kayo na lang masakit po kase ang ulo ko "

"nako dont me miss alibi "

"e-e sir hindi po kase magandang tignan na nakikipag inuman ang isang babae sa isang lalaki e and besides, katulong lang po ninyo ako"

"whats the matter about that miss velasquez? Halika na mag kukwentuhan lang naman tayo at gusto talaga kitang maka kwentuhan miss velasquez para mas makilala pa kita "

Hindi na niya natanong pa kung bakit gusto siyang makilala nito dahil iginaya na siya nito papunta sa veranda nila

"sit down" offer niya kay regine ng upuan

"alam mo sir napanaginipan kita mabait ka daw "

"napanaginipan mo o wish mo? "

"e kase naman nung una po ang sungit sungit niyo saakin" mahinang sabi niya saka binuksan ang wine

"masungit ba ?de badmood lang siguro ako nun"

"sows so araw araw ka po pala badmood "napa tawa siya saka nilagyan niya ang kanilang baso ng inumin

"ano ba talagang gusto mo masungit ako o mabait ?"

"syempre mabait para bigyan mo uli ako ng mamahaling chocolate " muli uli siyang napatawa

"alam mo miss velasquez masaya kang kasama ha tawa ka ng tawa "

"tawa ka din kase sir ang seryoso mo masyado e enjoy life minsan lang tayo mabuhay"

"mmm pareho pala tayo ng perspective sa buhay"

"ows? Mukhang dika naman po masaya sa buhay niyo sir puro kayo work work ! Diba kayo nagsasawa? aanhin niyo ba ang madaming pera? E kung tutuusin hindi naman ninyo madadala yang perang yan kapag tegi na tayis "

Natahimik siya sa sinabi ni regine

Thats a real talk from miss velasquez
Siya pa lang ang kauna unahang babaeng nangreal talk at walang takot na nangealam sa buhay ko. Ano bang meron sakanya ?

I FOUND THE REAL JOY IN YOU Where stories live. Discover now