Chapter 30

19.4K 879 1K
                                    

Dedicated to Jhonafe Tumbali

Chapter 30

"Anong gagawin ko sa inyong anim? Lalo na kayong magkapatid na Arellano!"

Masama pa ang tingin nito sa aming magkapatid. Patuloy pa rin sa pag-iyak iyong tatlo na para bang sila pa ang aping-api kung si Sapphire naman ang nagsimula ng gulo.

Mukhang kami na naman ang sinisisi nito sa nangyari. Kailan ba kami naging tamang dalawa? Palagi na lang kaming mali sa kanilang paningin kahit na wala naman kaming ginagawang masama.

Paano nga ba nangyaring nandito na naman kaming dalawa? Kasama pa namin si Ate Stella na nakiisa rin sa away. Walang ibang dahilan kundi si Sapphire na siyang unang humila sa buhok ng kapatid ko.

Sinabihan niya pa ito ng malandi kung siya naman talaga iyon. Kumalat na sa buong Cross Sign ang tungkol sa kanila ni Kuya Marcus. Mukha namang si Sapphire ang nagpakalat na sila na nito.

Ang kapatid ko naman ang mahal ni Kuya Marcus. Hindi na ako magtataka kung malaman kong tinatakot lamang nito si Kuya Marcus laban sa kapatid ko.

Hindi na talaga ako magpapa-api pa sa kanila, ako na ang makakalaban nila sa oras na madamay na naman ang isang mahalagang tao sa buhay ko.

Bumukas ang pintuan. Natigilan ako nang magtama ang tingin namin ng lalaking iyon pero mabilis din siyang umiwas. Kasama niya ngayon si Kuya Marcus. Mukhang mayroong nagsabi sa kanila ng nangyari kanina.

Nakikita ko sa kaniyang mukha ang sobrang pag-aalala para sa kapatid ko. Nanikip naman ang aking dibdib.

Sabagay, bakit nga ba naman siya mag-aalala para sa 'kin? Kung wala naman talaga siyang pakialam kasi ang tingin niya lamang sa isang tulad ko'y laruan.

"Okay lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Josh.

Napaiwas ako ng tingin nang hawakan nito ang magkabilang pisngi ng kapatid ko. Napansin kong dumako ang tingin sa kanila ni Kuya Marcus. Nakikita ko sa mukha nito na nasasaktan siya pero wala siyang magawa.

Kasalukuyan nang nakalingkis sa kaniya ang babaeng iyon. Sarap sabunutan kasi nagpapaawa na naman. Hindi na tumigil pa sa pag-iyak ang gaga.

"O-Okay lang kami," tugon ng kapatid ko.

Mapait akong napangiti. Ako, hindi ako okay. Nasasaktan ako sa nasasaksihan ko. Pwede rin ba siyang mag-alala sa 'kin katulad ng sa kapatid ko?

Na tanungin niya rin ako kung okay lang ba ako? Alright. Huwag mag-assume, para mas lalong hindi na masaktan pa.

Nakahinga ako nang maluwag kasi pinalabas na iyong dalawa ng Principal. Ayoko rin talagang makita si Josh, lalo na ang mukha nito na makikita ang sobrang pag-aalala para sa kapatid ko.

"Sorry po sa lahat ng nagawa namin ng kapatid ko." Gulat ko siyang nilingon, nakayuko na ito.

Narinig kong tumawa si Sapphire kaya kumulo ang dugo ko. Malamang na masaya siya kasi nasa isipan niya na panalo sila at kami ang talunan.

Tahimik lamang sa tabi ko si Ate Stella na masama rin ang tingin doon sa tatlo. Mukhang nakahanap na ng totoong kaibigan ang kapatid ko at masaya ako para sa kaniya.

"Huwag po kayong mag-alala, lilipat na po kami ng school ng kapatid ko."

My lips parted. Hindi ko akalain na ganoon ang sasabihin niya. Lilipat na kami ng school? Kakayanin ko ba?

Pero paano si Josh? Teka. Bakit ko ba iniisip iyon? Mas okay na rin iyon para makalimutan ko na siya, para maging payapa na rin ang buhay ko.

"Sigurado ka ba, Ate, sa sinabi mo?" Hinawakan ko ang kaniyang palapulsuhan para pigilan sa paglalakad.

Taming Love (Completed) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum