Mother's Love

916 8 0
                                    

Sa bansang pilipinas may isang babae na nangangalan na Nicole. Siya ay nangangarap na makasama niya ang kanyang mga magulang, dahil matagal niya na itong hindi nakikita dahil sa kanilang trabaho. Habang nakahiga, iniisip niya kung ano ang pakiramdam kung ang magulang niya ay hindi nagta-trabaho sa malayong lugar. "Hay, dapat nasasanay na ako sa ganito, naiintindihan ko naman kung bakit sila wala dito sa aking tabi." Malungkot na wika ni Nicole sa kawalan. Malayang pinikit niya ang kanyang mga mata, at inisip ang mga panahong nag-bakasyon ang kanyang magulang at umuwi sa kanilang tahanan.

Nang biglang bumukas ang pintuan. Tumayo ng mabilis ni Nicole dahil sa kaniyang gulat at napahawak sa kanyang dibdib. "Anak! Nandito na ako! Nasorpresa ba kita?" sa hindi naaasahan, may naramdamang basa at mainit na tubig na dumadaloy si Nicole sa kanyang pisngi. Sumasabog na emosyon ang naglalaban laban sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung anong sasabihin, walang lumalabas sa kanyang bibig. "Bakit ka umiiyak?" natatawang sabi ng kanyang nanay na pa-iyak na din.

Biglang niyakap ni Nicole ang kanyang nanay, sumasabog pa rin ng emosyon ang kanyang puso. " Nay, na-miss po kita ng sobra!" wika ni Nicole na nakayakap pa rin sa kanyang ina. Limang minuto na ang nakalipas ngunit, ayaw pa din ni Nicole kumalas sa kanyang ina. Natatakot na baka bigla itong mawala ng parang bula.

May sasabihin na sana si Nicole sa kanyang ina ng biglang, umilaw ang dibdib ng kanyang ina. Unti-unting nawawala ang kanyang ina! "Nay! Anong nangyayari?!" hindi na alam ni nicole ang nangyayari. Dumadaloy ulit ang kanyang luhang maalat sa kanyang pisngi. pagsinghot at malalakas na hikbi lang ang maririnig mula sa kanyang bibig.

"Nay!!!" Gulat na may halong takot na galing sa bibig ni Nicole ang tilang maririnig lamang. Bilis bilis siyang napabangon sa kanyang higaan. May luhang dumadaloy sa kanyang mukha. "Nanaginip lang pala ako" malungkot na wika ni Nicole. "Grabe, basang basa ang aking unan."

"Alam ko na! ako ay magdadasal, upang ako ay gabayan ng Diyos at ang aking pamilya" "Para hindi na rin ako maging malungkot"

Inayos ni nicole ang kanyang pwesto at sinimulan ng magdasal. " Lord, kung itong panaginip po na iyong ipinakita sa akin, ay para po ako ay magpursigi pa lalo sa aking pag-aaral, Nawa'y bigyan niyo po ako ng lakas at makapagtapos na po ako kaagad. Para matulungan ko na rin po ang aking pamilya. Para po makauwi na sila, at makasama ko po. Gabayan niyo po ako at aking pamilya. Gustong-gusto ko na po sila makasama sa aking pangaraw-araw na buhay, Lord. Tulungan niyo po kami, ako sa aking pangarap sa buhay Lord. Maraming salamat po Lord!"  

Mother's CareWhere stories live. Discover now