Prologue

12 3 3
                                    

“Rofel, why are you still sleeping? Uuwi ka ba sa Pilipinas o tutunga-tunganga ka nalang dito,” pagrereklamo ni Mommy nang pumasok siya sa kwarto.

Actually, kanina pa ako gising pero tinatamad akong bumangon kasi sobrang lamig, and now, nandyan na naman yong’ alarm ko na hindi titigil sa kakaputak kapag hindi ako bumangon.

“Aba, hindi ka mayaman at wala kang private plane. Hala, tumayo kana diyan at magluto doon ng breakfast.”

‘She really won’t stop complaining? Mamayang alas tres pa ang flight ko at 6 AM palang. Nakakainis.’

Nagtalukbong ako ng kumot to stop hearing her annoying voice.

“Lintek na batang to.” She pulled my sheet.

“Stand up and make a breakfast. You don’t have a maid so move.”

Gusto ko pa sanang matulog o kahit magtalukbong man lang ng kumot pero paano ko yon magagawa kung nasa loob ng kwarto ko yong boss? She is so noisy. Nakalunok ba to ng sound system? Nakakahiya sa mga kapitbahay sasabihing ang ingay-ingay ng mga Pinoy, tsh.

“Heto na ma, tatayo na,” walang ganang sagot ko.

Tinupi ko muna ang higaan ko bago pumunta sa Cr at maghilamos. Habang nagtotoothbrush ako ay naramdaman ko ang pagbukas at pagsara ng kwarto. Lumabas na si boss. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay dumiretso na nga akong kusina para magluto kasi nga hindi ako mayaman at wala kaming maid. Pagkatapos kong magluto ay pumunta na akong sala upang manood ng news, naramdaman ko namang pababa si mama galing sa kwarto niya, nakaligo na at nakapagbihis. Wearing her blue uniform, she looks so neat and beautiful. By the way, my mother is a nurse here in Canada.

“Mom, breakfast is ready.”

“Hindi ka pa nga nakapaglinis ng bahay, tutunga-tunganga ka na naman diyan sa TV?”

Here we go again. Hindi ko alam kung nanay ko ba talaga to. She always act like a boss.

“Mom, lower your voice, I already clean the house while I’m cooking kanina,” I lied, eh ang linis linis na nitong bahay, palagi naman tong nililinisan.

“Samahan mokong kumain,” anyaya niya.

2:30 na nang nakarating ako sa airport. I didn’t inform anyone sa Pilipinas na uuwi ako. I’m excited to see their reaction.
Nasa NAIA na ako nang napagpasyahan kong eh inform ang mga admins ko. I decided to take a cab kesa sa magpapasundo pako sa pinsan ko na sobrang busy sa mga barkada niya. Nakakahiya naman.

Pagdating ko sa bahay ay nakita ko agad si lola sa labas, inaasikaso ang mga bulaklak niya. Simula nong bata pa ako ay napakahilig na niya sa mga bulalak, and I lived with my lola since mommy go abroad. Pagpasok ko sa gate ay agad ko siyang nilapitan at niyakap habang siya’y nakatalikod sakin.

“Angela’s home.”

Agad namang lumingon sakin si lola at pinagmasdan akong mabuti. It was about 5 years since I left and she doesn’t want me to go pero ako naman yung may gusto na umalis. Every week naman kaming nag-uusap ni lola sa phone kaya I know na hindi siya galit sakin.

“Angela? Ikaw ba talaga iyan? Aba’t kakarating mo lang,”she grab one of my bag and lead me to the house. “Joswa, baba ka riyan at nandito si Angela,” tawag niya sa kapatid ko.

“Lola, kumain na po kayo?” I asked.

Alas syete na kasi ng umaga and I’m sure Joshua is still asleep.

‘Buti pa sya anytime lang gumigising.’

“Ako’y nakapagluto na nang agahan pero hindi pa ako nakakain. Sandali lamang at tatawagin ko si Danna,”paalam sakin ni lola at dala-dala pa rin niya ang bag ko. Hindi naman iyon mabigat kasi make-ups and other echos lang laman non.

My Masterpiece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon