Exotic Beauty (Part 1)

15 7 60
                                    

“First day na first day, late ka na naman, Beauty!” sermon ko sa sarili

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“First day na first day, late ka na naman, Beauty!” sermon ko sa sarili.

Lakad-takbo na ang ginagawa ko dahil isang minuto na lang ay magsisimula na ang klase. Sa sobrang pagmamadali, nabangga ko tuloy ang isang bultong mas malaki sa akin!

Aray! Ang suwerte ko nga naman, oo!

Napadaing ako sa sakit ng balikat at hinihintay na lang ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa ngunit hindi ito nangyari.

Pagmulat ko, halos magdikit na ang mukha namin ni Julian. OH. MY. FREAKING. GHAD!

Agad akong umayos ng tayo at kumalas sa pagkakahawak niya sa likod ko. Nagkakarera ang tibok ng puso ko sa sandaling ito.

Si Julian lang naman ang campus crush na kinababaliwan ng lahat ng makikireng babae sa school. Kasama na ako, pero lowkey lang.

“S-Sorry!” usal ko bago tumakbo palayo dahil naalala kong late na nga pala ako sa klase!

Kahit hingal na hingal, kumatok ako sa nakaawang na pinto saka humingi ng paumanhin dahil nasa kalagitnaan na yata sila ng introduce yourself portion. Napatingin lahat ng kaklase ko sa akin, sabay-sabay na ngumiwi.

“Gago, tol. Jowa mo.”

“Lol! Mabuti pang mamatay na lang akong single kung ganiyan kapangit lang din magiging girlfriend ko.”

“Parang kinulam, ampota!”

“Tanga, siya ’yung mangkukulam. Haha!”

“OMG! She looks like a salamander!”

“Class! Quiet! You may take your seat now, Miss.”

Tumango ako sa teacher bago umupo sa pinakalikod dahil doon na lang may mga bakanteng upuan.

Napasimangot ako dahil sa bungad ng klase sa ’kin. Dati na akong tampulan ng tukso dahil sa itsura ko ngunit hindi pa rin ako nasasanay. Masakit pa rin. At saka anong salamander?! Hindi ko alam kung ano ’yon, ah!

“Uh, good morning. Sorry for being late,” sabi ng baritonong boses na nagmumula sa pinto. Nakatayo si Julian doon.

Kaklase ko siya?!

Nagtilian ang mga babae pagpasok niya. Gano’n kalakas ang appeal ni Julian mahbeybe!

Lumakad siya sa direksyon ko kaya nanlaki ang mga mata ko.

“Is this seat taken?”

“Ako, puwede mo i-take—este hindi! Bakante pa!” nauutal na sagot ko.

Awe-inspiring PagesWhere stories live. Discover now