Chapter 23

822 16 0
                                    


Bench

Pumasok na ako sa kabilang kwarto at nakadapang nagcecellphone si Wynn

"Anong damitan yan?"tanong ko

"Mainit eh"sabi niya

"Edi sana nilaksan mo yung aircon"sabi ko

"Eh sanay akong matulog ng ganto tsk!"sabi niya

"Inaakit mo lang ata ako eh"sabi ko

"Kapal ng pagmumukha mong hinayupak ka asa ka!"sabi niya

"Sus deny pa"sabi ko

"Ang tigas din talaga ng mukha mo noh"sabi ni wynn

"Hindi naman yung nasa baba yung matigas wanna touch it?"tanong ko

"Putulin ko kaya yan?"sabi ni wynn

"Luh wag naman susundan pa natin si David"sabi ko

"Kapal mo papaalala ko lang huh hindi tayo magkaano ano kaya wag kang ano"sabi ni Wynn

"Eh bakit ilang araw na tayong magkatabi sa kama?"sabi ko

"Dahil gusto ng anak ko"sabi niya

"Anak natin"sabi ko

"Whatever Alvaro"sabi niya

"Sungit Moretti"sabi ko

Napaigtad ako ng bangon ng nagring ang phone ko

Si kurt!

"Hello?"sagot ko

"A-ano si Divine?"sabi ko

"A-ah sige pupunta ako"sabi ko at pinaba na ang tawag

Tumayo na ako at nakatingin sakin ngayon si wynn

"May pupuntahan lang ako ah baka bukas na ako makauwi"sabi ko

"Hmm? Okay"sabi ni wynn

"Wala bang kiss diyan?"sabi ko

"Mama mo kiss"sabi niya

"HAHAHAH matulog kana Atty. Moretti"sabi ko

"Tse i hate you Atty. Alvaro"sabi niya

"I hate mo lang ako sisiguraduhin kong balang araw mamahalin mo din ako Wynn at pag nangyari yun hindi ako magdadalawang isip na iharap ka sa altar, mark my words Wynn Moretti"sabi ko

****

Wynn's POV

Hindi ko alam kung bakit nagising ako ng alas tres ng umaga at ang weird nf pakiramdam ko sobrang bilis ng tibok ng puso ko

Wala pa si bench....

Napagpasyahan kong magscroll scroll nalang sa phone ko

Fuck bat ko siya hinihintay! Bakit ganto

Gusto ko na ba siya???

Lumabas nalang muna ako ng kwarto para uminom ng tubig hayss wala pa talaga siya saan naman kaya siya nagpunta?

Nagscroll scroll ako habang nainom ng tubig ng may bumungad na picture sa akin

Si bench may kasamang babae

Binasa ko yung mga comments

Someone: Nagkabalikan sila ni divine

Someone: oo nga!

Someone: tagal din nilang hiwalay noh

Di ko na namalayang nakahawak na pala ako sa puso ko

Fuck what's wrong with me?

Nilagay ko na sa lababo yung baso, paakyat na sana ako kaso biglang bumukas yung pinto at pumasok ni Bench

Napatigil ako nakakapit lang ako sa hawakan ng hagdanan at nakatingin lang sa hagdan hindi ko siya nililingon

Naramdaman kong palapit siya sa akin kaya lalo akong kinabahan habang palapit siya ng palapit lalong bumibilis ang tibok ng puso ko

Fuck! Am i in love!?

Hinawakan ni bench ang magkabilang pisnge ko para iharap ako sakanya at agad niya akong hinalikan

He's drunk

Marahan ko siyang tinulak at tinignan niya ako sa paraang hindi ko maipaliwanag kung anong gustong ipahiwatig ng mga mata niya

"I'm sleepy sorry"sabi ko at akmang aakyat na ako ng pigilan niya ako

"Let's make love wynn please i want you"sabi niya

"Sorry"sabi ko at nagpatuloy na ako sa pag akyat ng makapasok na ako sa kwarto biglang bumuhos ang luha ko kaya patagilid akong nahiga sa kama

No! Please sana wag siyang pumasok hindi niya ako pwedeng makitang umiiyak

Napapikit nalang ako ng mariin ng maramdaman kong bumukas ang pinto shit!

Kinalma ko ang sarili ko para hindi niya mahalata na umiiyak ako

Naramdaman kong Lumubog ang bahagi ng kama na inupuan niya kaya nalaman kong nasa tabi ko na siya

Shit not now bench i hate you....

Who Are U?Where stories live. Discover now