Prologue

6.2K 147 4
                                    

 Naglalaro ang isang batang babae ng habul-habulan kasama ang mga kasam-bahay nila sa malawak na lawn sa harap ng bahay ng Granny Amelia nya. Napapaligiran ito ng mabubulaklak na tanim na lalong nagpaganda sa lugar. Masaya sya na sa unang pagkakataon sa dalawang taon ay nakapagbakasyon sya kasama ang mga magulang.

Masaya namang ring pinagmamasdan ito ng matanda na nagtatago sa likod ng puno. Wala ang mga magulang nito sa bahay dahil may inasikaso na naman sa karatig bayan. May ngiting sumilay sa bata ng makita ang ginang na nakatingin sa kanyana agad namang ibinalik ng matanda. Masayahin ang apo nya at hindi nya hahayaang mabura ang inosente nitong mga ngiti, sa isip isip nya.

Dumating namn na ang meryendang pinahanda nya para sa apo na nagpaputol sa kanyang mga agam-agam.

“Ria, apo, magmeryenda ka muna.” Tawag ng ginang sa bata na syang taya sa laro. Agad namang sumunod ang bata dahil ayaw nya talagang taya, hirap kasi itong mahabol ang mga kasam-bahay na kalaro.

Pinunasan ng ginang ang likod ng tinawag nitong Ria.

“Granny, asan po ba ang Mommy?” tanong ng sampung taong gulang na bata. Ngumiti na lang ang ginang at pinaharap sya at sinabing “May inasikaso lang.”

Malaki na sya, at alam na nya kung bakit wala ang mga magulang sa tinatawag nilang ‘bakasyon’. Nalungkot sya nang maalala ang mga mahahalagang araw ng mga nakaraang taon na wala ang mga magulang nya. Galing pa silang Maynila at ngayon na lamang muling nakabalik sa hometown ng Granny nya.

Bumalik naman ang ngiti nya ng sabihin ng Granny nya na may regalo itong ibibigay sa kanya. Natuwa sya dahil tuwing magbabakasyon sila ditto sy lagging may binibigay ang Granny nya sa kanya. May kinuha ito sa bulsa at lumantad ang isang esmeraldang kwintas na may mga brilyantes sa palibot nito.

“Ang ganda , Granny.” Naibulalas ng batang Ria ng makita ito lalo na nang tumama ang sinag ng araw dito. Kuminang ito na tila ba’y nagsasayaw.

“Isa ‘tong heirloom necklace. Ibinibigay ito sa mga anak na babae so, ngayon sayo na yan.” Ani nito at isinuot na sa batang Ria ang kwintas. HInaplos ito ng batang Ria at sinabing nagustuhan nya ang kwintas.

“Eh, Granny, bakit sakin mo ‘to binigay?”

“Dahil wala namn akong anak na babae. (bulong) At isa pa, hindi yan bagay kay Lena, kaya sayo na lang.” patukoy nito sa Mommy ng bata. Natawa naman ang batang Ria pero sa loob loob ng ginang ay dahil nakita na nya ang sinyales na ang apo nya na ang susunod sa henerasyong ito.

“Granny talaga. Promise, I’ll take care of it.” Na may kasama pang pagtaas ng kanang kamay simbolo ng panunumpa.

“And Ria, honey, don’t take it off, okay? Kahit maligo ka, ‘wag mong tatanggalin.” Ani nito na pinagdidiinan ang huling sinabi. Nagtataka man ay ngumiti pa rin ito at nangakong hindi nya tatanggalin.

“That’s my baby apo.” At niyakap sya na tipong nanlalambing. Napahalakhak namn ang batang Ria dahil nakikiliti na sya sa bandang tyan nya.

“Granny..hahaha..tama na..haha”

“Fine, now, go on, eat your meal. Bawal paghintayin ang pagkain.”

“Yes, Granny.” At umupo na sa katapat na upuan at kinain ang blueberry cake na nasa platito. Habang nakain ay napansin nya ang Granny nya na may kinuhang isang itim na notebook sa ilalim ng mesa. Ang mesa kasi ay isang tea table na may horizontal na mga bakal na pwede mong paglagyan ng mga gamit. Dati nya pang nakikitang nagsusulat ang Granny nya sa notebook na un, hindi nya lang matanong kung para saan ‘to pero ngayon, parang may nagtutulak sa kanyang tanungin kung para saan yon. Wala syang nagawa at nagtanong na nga.

“Granny, ano yan?” tanong ng nya at pawang sumisilip sa sinusulat ng ginang.

“Ah, ito ba? Diary ‘to, sinusulat ko lahat ng importanteng nangyari  dito.”

“Eh, Granny, pwede ko bang mabasa yan?” tanong nito na may nangungusap na tigin sa mga mata.

“Hahah.. oo namn, pero hindi pwede ngayon, okay?” nanghihinayang man ay tumango na lamang ang batang Ria at ngumiti at pinagpatuloy na ang pag kain.

Kinabukasan, nagising ang batang Ria na walang kahit sino ang gumising sa kanya. Dati rati’y ginigising sya ng Granny nya para sabay na mag-almusal. Tumatakbong lumabas sya ng kwarto at tinawag ang Granny nya.

“Granny?”

“Granny!”

Ngunit walang nasagot. Pagkaraa’y, sinilip nya ang kwarto nito, ngunit walang Granny syang nakita. Napabuntong hininga sya at isasara na sana ang pinto nang may marinig syang malalakas na kaluskos sa loob ng closet. Takot man kung ano yon ay pumasok sya at dahan dahang naglakad patungo sa closet. Hahawakan na nya sana ang knob nang may marinig syang mahinang bulungan sa labas ng kwarto. Napatingin sya sa bahagi kung saan kaunting nakaawang ang pinto. Nawala na ang pansin nya sa closet at lumapit sa pinto upang itanong kung nakita nila ang Granny nang aksidenteng marinig nya ang pinag uusapan ng mga ito. Naistatwa sya sa narinig at unti unting umagos ang masagana nyang mga luha. Nangingig man ay binuksan nya ang pinto at mabilis na tumakbo papunta sa sariling kwarto. Naririnig nya pa ang mga tawag sa kanya ng mga ito ngunit parang wala syang naririnig. Pumasok sya sa loob ng kwarto at napasandal sa pinto. Lalo syang napahagulgol nang marinig muli sa isipan ang mga salitang sinusumpa nyang sana’y hindi narinig.

“Grabe talaga. Parang kahapon lang ang lakas-lakas pa ni Senyora Amelia, ngayon wala na.”

“Hayyy. Inatake daw sa puso, eh, wala namng sakit sa puso ang Senyora.”

“Ganun talaga kapag matanda na, madami nang sakit.”

Isang linggo na ang nakaraan nang mamatay ang Granny Amelia nya at ngayon ay paalis na sila pauwi sa Maynila. Hawak hawak ang teddy bear nya at ang esmeraldang kwintas na parehong bigay sa kanya ng Granny ay pinangako nyang iingatan ang mga ito tanda nang huling mga ala-ala sa butihing matanda.

The Possessive IncubusWhere stories live. Discover now