Five

562 34 7
                                    

Jeon Kim Taegguk

Isang kwarto lang ang kinuha ni Shawn with a queen size bed. Yung ambiance para kaming bagong kasal na nagpunta sa isang honeymoon.

Nang makita ko yung tanawin lahat ng worries, lungkot, iniisip ko at sakit na nararamdaman ko parang nawala.

"Do you like in here? Or we should change our room if you're not comfortable?" Biglaang sulpot ni Shawn sa likod ko.

Umiling ako ng marahan.

"No. I like it here." May ngiting nakaguhit sa labi ko habang sinasabi ko yan sa kanya. Pero sa malawak na karagatan nakatuon ang mga mata ko. Kaya alam kong hindi niya kita ang mukha ko.

"Alam ko namang magugustuhan mo dito." Rinig ko ang saya sa tono ng boses niya at nagulat ako ng yakapin niya ako mula sa likod. "Gusto kong makalimutan mo kahit saglit lang lahat ng problema mo. Gusto kong maging masaya ka at palaging nakangiti. It suits you."

There's something inside me that feel touched.

Bakit pakiramdam ko ang saya saya ko dahil sa mga sinabi niya.

Bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin.

"You go change your clothes at bumaba na tayo. Nagpa reserve ako ng pwesto sa resto nila sa baba at nagpaluto ako ng masasarap na pagkain. Hindi pa tayo naglalunch. I'll just wait here." Nakangiting sabi niya habang nakahawak sa kamay ko.

Tumango lang ako at ngumiti sa kanya pabalik.

Naupo na siya sa kama at chineck ang cellphone niya. Ako naman kumuha na ng damit ko pamalit.

I bought shorts and oversized shirt sa CR at nagpalit na ako. Paglabas ko, napatingin sakin si Shawn na parang hindi niya nagugustuhan suot ko.

"Bakit ang ikli ng short mo?!" May halong inis ang boses niya.

I rolled my eyes on him.

"Duh! Sa pagkaka alala ko ikaw ang nagkuha ng mga damit ko at nilabit mo ko dito sa resort. Tapos magagalit ka dahil sinuot ko to?" Mataray na sabi ko sa kanya pabalik.

He was turned back when I acted like this on him this way.

Natigilan siya at napatitig siya sakin ng matagal

"What?! Bakit natigilan ka?" Pahabol ko pa.

"W-Wala. Oo nga sabi ko nga ako nagkuha niyan. Tara na at baka luto na yung mga pagkain." Sabi niya at tumayo na sa kama.

Hindi na ako nagulat ng kuhain niya ulit ang kaliwang kamay ko at hawakan.

Magkahawak ang mga kamay namin habang naglalakad sa hallway pababa ng hotel papunta sa resto.

Why suddenly I felt the 'kilig moment' that I felt whenever I'm with him noong bata pa ako? Tsk!

Nang makarating sa restaurant, lalo akong natuwa. Ang ganda ganda kasi dito. Open siya kaya kitang kita mo ang dagat, pati na ang sea side na may mga masayang nagtatakbuhan na mga bata at naliligong mga matatanda.

"Have a seat." Pinaghila pa ako ng Shawn ng upuan para maupo.

"Thank you." Sabi ko sa kanya.

𝐎𝐮𝐫 𝐎𝐰𝐧 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐀𝐂𝐓𝐎𝐑'𝐒 𝐀𝐅𝐅𝐀𝐈𝐑 𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐈𝐈𝐈Where stories live. Discover now