CHAPTER ONE

281 2 0
                                    

"HALAGA"


Halaga isang salita, ngunit ang daming nataga,

Halaga isang salita, na hinanap nya sa iba, 

Halaga na patuloy hinahanap sakin ng iba. 

Halaga ang basehan ng iba, na kung wala ka'y hindi ka mahalaga.

Ikaw ba'y naghahanap ng halaga? Talaga ba? Totoo ba?

Ang daming tanong, ang nanatiling tanong, parang kandadong walang susi, 

Parang asong sunod-sunuran sa takbo ng mundo, parang asong nakatali sa sinasabi ng ibang tao. 

Wag magbulag-bulagan, buksan ang isipan kung gaano kaba talaga kahalaga! 

Hindi ka bola para pagpasa pasahan at paglaruan ng iba.

Hindi ka pasahero na kapag nahuli, ay iiwan nalang.

Hindi ka ferris wheel na akala mo masaya, pero pinapaikot-ikot ka lang pala. 

At hindi ka rosas na kapag lanta na'y itatapon nalang pala.

Gaano kaba talaga halaga! Ang halaga mo ay nasa pagtingin mo, at hindi sa bulag na paningin ng iba.

Hindi halaga ang basehan, kundi ikaw talaga. 

Para sa mga kababaihan, huwag tumingin sa mukha at itsura, tumingin sa lalaking malinaw ang

paningin, tiyak makikita nya ang iyong tunay na halaga.

At para sa mga kapwa ko kalalakihan, sa pagpili ng binibining iibigin, huwag sa kurba ng katawan, o sa laki ng dibdib, kundi sa babaeng kita ang iyong halaga. 

Ang pera may halaga, what more kapa! 

Ang pera kapag nahulog, pinupulot, pano kapa!

Ang pera madumi pero pinapahalagahan, ngunit higit kapa! 

Higit kapa sa pera kapatid!

Halaga mo'y' walang katumbas, 

Halaga mo'y pambihira, 

Halaga mo'y mahiwaga, 

At higit sa lahat halaga mo'y mananatili.




Author's Note :

Hello guys thank you for reading and appreciating my piece of spoken poetry. if you want to request a title or subject of my spoken poetry, just comment down below and I will gladly do it and accept it. 

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now