Kailan ba yung huling umiyak ako,
Kailan ba yung panahon na nasasaktan ako?
At kailan kaya yung oras na ikaw ang hinahanap hanap ko?Nandito lang ako, nasa tabi mo ng hindi mo alam.
Laging nakasubaybay sa mga ngiti at tawa mo tuwing masaya ka na sa iba.Pero kahit ganon pa man,
Pinipilit ko ring maging masaya kahit masaya ka na sa iba.
Dahil kahit anung mangyari, sarili ko rin ang tutulong saakin para makaahon sa sakit na nararamdaman ko.Sa labis kong pagmamahal sa iyo, na alam kong impossible ay kailangan kong bumangon para sa sarili ko at sa mga ibang taong nag mamahal sakin.
Walang masamang masaktan ng lubusan,
Walang masamang magmahal,
Basta't nakita na kitang masaya ayos na ako.
Dahil balang araw sasaya rin ako, sa piling ng iba.
Yong taong magpaparamdam ng kasiyahan at pagmamahal na ipinaramdam ko rin sayo ay mararamdaman ko rin yon.Magiging maayos rin ang lahat,
Dahil may kasabihang,"It's ok not to be ok. Even if I can't let you go for now, I know someday I can say the word goodbye, to be free and smile again."
YOU ARE READING
HIDDEN MESSAGES
RandomI will write everything what's going on in my mind about this kind of situation. It will be written here and you will read it. Did you know? (DYK) , Facts, affirmations, quotations, messages, and some popular lines that you never knew or you have re...