THREE

97K 3.3K 141
                                    

Reid Anthony dela Silva

Ang sumunod na tatlong araw ay naging makabuhulan sa akin. Tumutulong ako sa gawain nila Aling Melba. Gumagawa siya ng espesyal na bukayo at nilalako ng mga bata sa palengke sa bayan.

Minsan naman ay tumutulong din ako sa paghahanda ng pagkain para sa mga nagsasaka sa kanilang bukirin. Napag-alaman ko na bukod pa pala sa sariling sakahan nila, ay pumupunta rin pala sila sa Dela Silva Ranch and Farm para magtrabaho din doon.

Ayon sa kwento nila, ang pag-aaring ito ng Dela Silva ay isa sa pinagkukunan ng supply ng halos buong Mindanao. Mapakarne, bigas, mais, kopra ay halos dito nanggagaling. Kaya walang duda na ang pamilya Dela Silva ay isa sa pinakamakapagyarihan sa buong Mindanao.

"Isay di ba Nurse ka kamo sa Maynila ang sabi mo?" Isang araw na tanong sa akin ni Aling Yolly. Andito kami ulit sa bahay at tumulong sila sa paglalagay ng mga kasangkapan na inorder ko sa bayan.

"Opo, bakit nyo naitanong?" tanong ko. Nakita kong siniko nito si Aling Melba. Mukhang nagtutulakan ang dalawa kung sino ang sasagot sa tanong ko.

"Uhm." Tikhim ni Aling Yolly. "Eh kasi Hija, galing kami sa rancho kagabi. Nalaman namin na inatake ulit sa sakit sa puso ang donya at nangangailangan sila ng taga-pangalaga nito. Baka kako kasi gusto mo at irerekomenda ka namin. Baka naiinip ka na kasi dito. Tska maayos ang pasweldo sa mansyon kaya hindi ka lugi."

"Yun nga lang may konti tayong problema." medyo napangiwi pang sambit ni Aling Melba. "May kagaspangan ang ugali ni Reid. Ang ibig kong sabihin, ay mabait siya sa mga tauhan niya pero pagdating sa Mama niya ay mahigpit siya. Marami na ang nag-apply noon kaso hindi nakatagal kay Reid. Maselan kasi yun lalo na pag ang kalusugan ng ina ang pinag-uusapan."

Tumango si Aling Yolly. "Tama at may chismis din na kaya napalayas ang ibang na-hire nila dahil daw kasi, nagkakagusto kay Reid. Kaya pag nakaramdam ang batang yun na may pagtingin yung nurse eh pinapatalsik na niya agad. Pero hindi ka naman siguro mahuhulog sa isang tulad niya di ba, Isay?"

Humalakhak ako. "Opo naman tsaka marami na akong nakilalang mga gwapo sa siyudad, Aling Melba, Aling Yolly. Pangkaraniwan nalang po sa akin siguro ang hitsura ng Reid na iyon. Tungkol naman po sa pagiging personal nurse ng donya, wala pong problema. Gusto ko pong subukan at wala naman sigurong masama doon." Ngiti ko sa kanila. Why not? Malawak na ang experience ko pagdating sa pag-aalaga ng pasyente at mukhang makakaya ko naman siguro ihandle ang donya. At isa pa, I was my mother's personal nurse noong mga panahong hindi na nito kayang alagaan ang sarili. Pinilig ko ang aking ulo. Presko pa sa aking alaala ang ni Inay. Kumikirot pa rin talaga ang puso ko sa lungkot. Ibinalik ko ang aking isipan sa sinabi nila Aling Melba sa akin na trabaho.

Kung sa kay Reid naman, madali lang dedmahin ang lalake. Hindi naman madaling mahulog ang loob ko sa isang gwapong lalake. Ang tanong, gwapo nga ba ang Reid na ito? Isang lalake pa lamang ang sumakop ng buong atensyon ko sa tanang buhay ko. Masama man magkompara, but Richard doesn't even stand a chance. Isang lalake lang talaga mula sa kahapon.

Kumuha ako ng basahan para punasan ang mga bagong bili kong gamit na nakapwesto na. Salamat at naiayos na rin lahat at nagmukha na talagang bahay. Mayroon na rin akong linya ng tubig at kuryente at hindi na ako magtatyaga sa lampara tuwing gabi.

"Sige Isay at sasabihin namin kay Reid bukas pagpunta namin sa mansyon." Ginagap ni Aling Yolly ang aking palad at tuwang tuwa.

"Oh sya kami ay magpapaalam na at dumidilim na rin." Tumayo na silang dalawa at hinatid ko hanggang pinto. Hindi ko na ata mabilang kung ilang beses akong nagpasalamat sa kanila mula nang dumating ako dito sa Sta. Cruz.

Pagkaalis nila ay dumungaw ako sa bintana. Tiningala ko ang kalangitang puno ng nagkikislapang mga bituin.

I sighed. It's been six years.

The Gentlemen Series 2: Reid, The RancherWhere stories live. Discover now