AISIL : A Twist of Fate - 1

95 2 1
                                    

First on the line for the FanFic Shots will be for GwapongKei. Natutuwa kasi ako ng bongga sa characters nya! Hahaha!

Yung mga mababasa nyo as you scroll down, it's a figment of my imagination lang yan. Di yan kasama sa storyline. Malikot lang talaga ang imagination ko kaya naisip ko yan. Haha!!

No bashing or whatsoever. :)

------------------

[MAKMAK's POV]

Naglalakad na kami nila Maria, Cassandra at Jazz patungong parking lot ng...

"Ano bang problema mo?"

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!"

Anong nangyayari dito? Bakit...

"Ano tatayo ka na lang ba dyan Mak?" sabi ni Cassandra at hinila naman ako ni Maria.

Dun lang ako natauhan sa nangyayari. Si Enzo at si Emzee nasa parking lot. Nagsusuntukan. Si Haylee, nakapagitna sa dalawa at pilit na umaawat.

Nang makarating kami sa pwesto nila agad na hinila nina Jazz at CK si Emzee palayo, ako at si Maria naman ang umawat kay Enzo.

"Ano bang nangyayare dito, Enzo?" tanong ko sa kanya.

"Eh itong ungas na 'to kasi. Akala mo kung sino. Wala namang isang salita." pabalang na sagot ni Enzo habang pilit na kumakawala samin ni Maria.

Napatingin naman ako sa direksyon ni Emzee. Ganun din, pilit din syang umaalis sa hawak nung dalawa. "Wag kang magsalita dyan na parang alam mo ang lahat tungkol saken. Wag mong kwestyunin ang bawat kilos at desisyon ko dahil hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko!" sumbat ni Emzee.

"Oo! Wala akong alam dyan sa pinagdadaanan mo dahil hindi ako nang-iiwan na gaya mo!"

Nabigla ako sa mga sinabi ni Enzo. Matatalim ang bawat salita na binitiwan nya. Gusto ko man syang bawiin yung mga nasabi nya pero sino ako para gawin yun? Kahit naman bawiin ko yun wala na akong maggagawa, may nasabi na sya at alam kong masakit yun para kay Emzee. Dahil yun ang katotohanan.

"Tama na, Enzo." mahinahon kong sabi.

"Ha? Ano? Tama na? Hindi, Xara." baling nya sa akin bago nya muling tingnan si Emzee, "Kailangan malaman nya kung anong mali nya. Kung gano sya katanga!"

"Enzo... tama na..." ulit kong muli habang pilit kong pinipigilan ang maiyak.

"Xara, hindi lang ikaw o sya ang nagmumukhang tanga sa sitwasyon nating apat eh... kaya kailangan nyang malaman at aminin na maha--"

"ANO BA ENZO?! SABING TAMA NA!!!" hindi na ako nakapagpigil pa. Pero unti-unti ay pumapatak na ang mga luha ko. I can't let anyone see me like this. Lalo na si Emzee. Kaya tumakbo ako palayo sa kanila. Sa kanya.

"Xara!"

"MakMak!"

Narinig ko ang tawag nila pero di ko sila nilingon. Patuloy ako sa pagtakbo. Ni hindi ko alam san ako papunta o kung may pupuntahan man ako. Lumalabo na ang paningin ko dahil sa pag-iyak. Idagdag mo pa ang biglaang pagbuhos ng ulan.

Pero di ko inalintana ang lamig at ang pagod. Ang alam ko lang kailangan kong lumayo... kailangan kong mapag-isa kaya patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa...

*BEEEEEEEPPP!!*

*IIIRRRRRKKK!!*

Nakakita ako ng liwanag at lahat ng sakit na nararamdaman ko ay nawala na lang bigla.

[EMZEE's POV]

Sh*t! Kanina pa kasi ako dito sa waiting area malapit sa operating room ng isang kilalang ospital. Isinugod kasi namin kaagad-agad si Ak-- si MakMak dito.

Kasalanan ko 'to eh. Ako may kasalanan ng lahat. Kung sana hindi ko ginawa yung kalokohan at kahibangang yun sa stage kanina eh di sana hindi kami nagpanuntok netong si Pineda. At sana hindi kami naabutan nila MakMak na nagpapambuno sa parking lot. At higit sa lahat, hindi sana sya tumakbo palayo at nabangga ng isang taxi.

Haaay! Pag may nangyare sa kanya... God knows kung anong pede kong magawa! Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Sana kasi inamin mo na lang na mahal mo parin sya Emzee. Yun lang naman eh. Bakit ba napakatanga mo na... duwag ka pa?!

"Emz, okay lang yan. Magiging okay din lahat. Tiwala lang." comfort sakin ni Maria.

"Oo nga, Mat. Yung tomboy na yun pa... eh masamang damo yun! Di pa mamatay yun." sabat naman ni Jazz.

"I agree with her." - Cassandra.

"Moks, she'll be okay." ito namang si Kumag maka-english lang eh parang yun na din yung sinabe nung tatlo. -.-

"Salamat, pero...UGHHH!!" sa sobrang inis ko sa sarili ko napahilamos na lang ako ng kamay sa mukha, "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya."

"Ngayon nasasabi mo na yan?" biglang pasok ni Pineda, "Nung iniwan mo sya, naisip mo ba yan? Tss."

Napakuyom na lang ako ng kamao ko, dahil kahit naman umisip ako ng sagot para dun, talo ako. Tama siya. Hindi ko naisip na mangyayare 'to.

"Walang may gusto ng nangyari, Emzee. Hindi mo hawak ang bawat pangyayare sa buhay ng pinsan ko. Kung nagbreak man kayo o hindi... walang makakapag-sabi kung maaksidente ba sya ng ganito o hindi." saad ni Sheena na parang nabasa ata ang iniisip ko. Mind reader ata 'to eh. Pero kahit na... gumaan ng konti yung pakiramdam ko.

Ilang oras pa ang lumipas at nagbukas ang pinto ng OR at lumabas ang doktor. Lumapit kaming lahat upang itanong kung kamusta na si MakMak.

"Sino po ang kamag-anak ng pasyente sa loob?" mahinahon ngunit may awtoridad na pahayag ng doktor.

Sasagot na sana ako upang sabihin na kaibigan kaming lahat pero...

"I'm her fiancé."

Tumahimik ang lahat at pinakinggan na lang ang mga susunod na sasabihin ng doktor.

"Ahh... stable na ang lagay ng pasyente. But the problem is... she had a contusion on her head. Marahil ay dahil ito sa impact ng kanyang pagkakabagok sa kalsada nung mabangga sya. Her right arm was also broken. Dahil ito ang higit na tumama sa sasakyan. Bukod dun wala na namang any major injuries ang pasyente. Just a few abbrasions and cuts, but all in all she's in good condition. Kailangan lang na obserbahan pa sya lalo na pagkagising na pagkagising nya."

Umalis ang doktor at para kaming nabunutan ng tinik sa lalamunan ng marinig na okay na si MakMak. Pangako sa sarili ko, sa oras na magising sya... aayusin ko na ang lahat. Ang lahat lahat.

----------

Sorry maikli.. May umapura sa akin ehhh. Hahaha! May part 2 pa 'to. :))

Vote. Comment. :)

-superfleux92 (c)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 22, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"FAN" SHOTSWhere stories live. Discover now