breakeven

77 6 3
                                    

Isinama ni Jungshin si Shinea sa bahay ng mama nito. At ipinakilala siya.

Nagulat siya ng niyakap siya nito. Siya pa lang daw ang dinalang babae

ni Jungshin sa kanila. Natuwa naman si Shinea sa narinig.

Kinakabahan siya nuong una pero mabait naman ang nanay nito.

Nang paalis na sila nagpadala ito ng prutas para sa titaJane niya.

Mula kila Jungshin ay tatlong oras na biyahe papuntang Ilsan.

"Tulog ka muna babylove." Sabi sa kanya ni Jungshin.

"Mahaba ang biyahe natin."

Mula nung may nangyari sa kanila sobrang asikaso nito sa kanya.

Kaya lalo itong napamahal sa kanya.

Hindi nga ako nagkamali sa pagpili sa kanya, naisip niya habang nakatingin

sa gwapong mukha nito.

"Baby love...huwag mo akong titigan baka matunaw ako."

Natawa siya at ibinaling sa harap ang tingin.

Naaaliw siyang tingnan ang daanan mula kila Jungshin papuntang Ilsan.

Huminto sila isang beses at kumuha ng maraming picture si Jungshin

Pinag pose siya . Tapos kumain sila sa nadaanang diner na sikat sa lutong crab chowder.

Sinusundo siya ni Jungshin kapag wala itong practice sa banda.

Tapos namamasyal sila bago umuwi.


Si Dhez naman masaya sa piling ni Top.

Natutuwa si Shinea tuwing tatawagan siya ni Dhez at kukuwentuhan tungkol sa mga pinuntahan nito sa Jeju Island.

Ramdam na ramdam ang kasayahan nito.

Dalawang linggo ang honeymoon nito at pagkatapos noon babalik si Top sa
abroad para tapusin ang mga commitments nito sa pag momodelo.

"Shinea, samahan mo ako, uuwi na kasi si Top at the end of the month.

Gusto niya humanap na ako ng bahay ayaw niya kasi sa condo. Hindi

magandang itira duon ang magiging mga anak namin."

"Mga anak? Meron na ba?" Natutuwang tanung niya dito.

"Parang ang dami ng balak niyong gawin ah."

Tumawa si Dhez. "Alam mo naman siya only child sa kanila di ba?

Eh kung di pa sumaydline tatay niya di wala siyang kapatid

Kamusta na pala kayo ni Jungshin?

wala pa ba kayong balak?"

"Bes, bata pa kami tsaka naguumpisa pa lang siya sa pagbabanda niya."

"Sabagay nga.

Anu samahan mo ako ha?"

"Sige magsusundo si Jungshin mamaya, isama na din natin siya?"

tumango si Dhez at bumalik sa sa reception.

Dumiretso naman siya sa opisina nagulat siya ng may humawak sa braso niya.

Nanlaki ang mata niya.

Anong ginagawa mo dito?!!

the War of the RosesWhere stories live. Discover now