PART 2 - Denzel's Confession

13 0 0
                                    



LUMIPAS pa ang mga araw na madalang na kung tumawag saakin si Denzel.

Hindi na ako nakatiis na hintayin ang tawag niya. Ako na mismo ang unang tumawag kay Lance para makausap ko si Denzel.

"Anne, pasensya na daw sabi ni Denzel kung hindi ka niya natatawagan," ani Lance.

"Bakit daw? Nasaan ba siya?" tanong ko.

"Nandun sa apartment niya, may sakit kasi siya kaya hindi makalabas."

"Ha? B-bakit? A-anong sakit niya?" tarantang tanong ko.

"Trangkaso, ayaw niyang pumunta sa doktor."

"Ano? Sige, kakausapin ko siya ako mismo ang pupunta diyan. Teka, hindi ko alam ang address niyo 'tska malayo kayo." Nasa Paranaque sila samantalang ako ay nasa San Juan. Hindi ako sanay sa Maynila dahil eskwelahan at bahay lang ang alam ko.

"Ganito nalang, ibibigay ko ang address tapos sasabihin ko kung saan ka sasakay. Madali lang naman basta ako na ang bahalang magsalubong sayo kapag nasa paradahan ka na malapit saamin, okay?" suhestiyon ni Lance.

"Okay sige, Lance, salamat."

Hindi ko alintana ang layo at kahit na natatakot akong bumiyahe kinaya ko makita ko lang si Denzel. Kailangan niya ako dahil may sakit siya. Kaya pala hindi na siya nakatatawag dahil masama pala lagi ang pakiramdam niya. Marahil sa sobrang sipag niya sa trabaho kaya siya nagkasakit. Sobrang naawa ako sa mahal ko. Iniisip ko palang naiiyak na ako. Ano pa kaya kung makita ko siyang may sakit.

Sumakay ako ng bus at pagbaba ko ay sumakay ulit ako ng dyip. Sabi ni Lance ay hintayin daw niya ako sa terminal ng dyip. Nang makababa ako ng dyip ay tumingin-tingin ako sa paligid. Hinanap ko ang lalaking naka blue tshirt at faded jeans. Iyon ang pagkaka larawan ni Lance sa suot niya.

"Anne!" sabi ng baritonong boses sa likuran ko. Parang nakilala ko na agad ang boses na iyon na palagi kong naririnig sa telepono at sa paraang pagkakabigkas nito. Napalingon ako at nakita ko agad ang lalaking naka blue at faded maong jeans. Marahil ito na nga si Lance, sa loob-loob ko. Hindi naman nakapagtatakang kilala niya ako dahil malamang ay naipakita din ni Denzel ang litrato ko sa kanya.

"Hi! Ikaw ba si Lance?" tanong ko. Ngumiti siya at kinamayan ako.

"Yah, ako nga. Nice meeting you, Anne, mas maganda ka pala sa personal," anitong nambola pa.

Hindi naman siya kagwapuhan, sakto lang, matangkad, moreno at payat. Akala ko kasi mas gwapo pa ito kay Denzel kasi ang ganda ng boses nito sa telepono.

Sumakay pa ulit kami ng tricycle at naglakad papaunta sa bahay nila Lance.

"Nasaan ba ang apartment ni Denzel?" tanong ko.

"Nakita mo ba ang bahay na iyon na may pinturang blue? Puntahan mo nalang nakabukas naman iyon hindi na kita sasamahan kasi kailangan na ako ni ermats, eh, may inuutos saakin," anito.

"Sige, Lance, salamat ulit," paalam ko. Nagmamadali akong puntahan ang bahay na abot tanaw ko nalang. Nang bumungad ako sa tarangkahan ng mismong bahay ay nakita kong nagwawalis si Denzel, ngiting-ngiti ito saakin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

"Akala ko ba may sakit ka?" tanong ko, lumipad ang pag-aalala ko at napalitan ng pagkainis. Ibig sabihin ay pinagti-tripan lang niya ako? Kasabwat pa nito si Lance? Umabsent ako sa klase at bumiyahe ng malayo. Hindi ko alintana ang takot sa biyahe dahil hindi ako sanay pero heto, maabutan ko lang siyang nagre-relax at nakangiti.

ANNE'S DIARIESWhere stories live. Discover now