Luha

0 0 0
                                    

Gusto niyo ng kwento? 
Basahin nang mabuti't unawin 
Sa akdang ito'y kwento't tula ay aking pag-iisahin



𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐓𝐘𝐏𝐇𝐎𝐆𝐑𝐀𝐏𝐇𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐀𝐍𝐃 𝐆𝐑𝐀𝐌𝐌𝐀𝐓𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐄𝐑𝐑𝐎𝐑𝐒 𝐀𝐇𝐄𝐀𝐃.
- 𝗒𝗈𝗎 𝖺𝗋𝖾 𝗐𝖺𝗋𝗇𝖾𝖽 -

Walang kwenta siya kung tawagin
Pasaway, demonyita't babaeng dapat disiplinahin
Siya'y mahilig sa away at gulo
Umaga hanggang hapon siya'y puro lang laro
Sa pag-aaral siya'y walang paki
Puro absent, madalas umuuwi t'wing tanghali
Siya'y walang respeto
Sa mga nakakatanda'y bibig niya'y walang preno

Gawin niya man lahat para may mapasaya
Dating nito sa kanila'y kulang pa
Patagong umiiyak gabi-gabi
'Wag kang iiyak' ani sa kanyang sarili
Pigilan niya man ay di pwede
Sapagkat luha niya'y nagkarerahan na sa kanyang pisngi

Magkasakit man at mapilayan walang may pakialam
Sa bangungot na kanyang naranasan ay wala siyang mapagsabihan
Minsan na napahamak ang kanyang kapatid
Siya'y sinisi, mga sermon na sakit ang hatid
Sa bahay siya'y tila nag-iisa
Tingin nila sa kanya'y kailanman ay walang nagawang tama

Sa pagsusulat siya'y may talento
Sa pagsusulat siya'y masaya kaso may 'pero'
'Para saan ang pagsusulat mo? Nagpapasikat ka lang ata'
Sa kanyang pamilya wala siyang nakuhang suporta
Siya'y tumigil at pagsusulat ay kinalimutan
'Nakakawalang gana ang pamilyang to, sa halip na ika'y susuportahan ikaw ay sisiraan'

Siya'y walang kwenta at alam niya yun
Siya'y palaging mali simula pa noon
Kilalanin mo siyang mabuti nang malaman mo
Mga dahilan bat ugali niya'y may lahing demonyo

Maaring siya ngayon ay tumatawa
Ngunit sa likod non, nakakulong ay mga luha
Luhang gusto nang lakbayin ang kanyang pisngi
Luhang magpapatunay na ang ngiti sa kanyang labi'y puro peke
Luhang tila isang pantasyang kwento
Bumuhos man ito'y hindi paniniwalaan ng tao
Siya'y pagod na at nais nang magpahinga
Sa lubid na kinakapita'y siya'y bumibitaw na

Sa pagtatapos ng patulang kwentong ito
Konting pahabol mga binibini at ginoo
Sa pagiging peke siya'y natuto
Sa pagsuot ng maskara ay kanyang kabisado
Luha niya at siya'y tila iisa
Unti unti ito'y nauubos na


Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jan 20, 2021 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Pages of written tearsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora