Diego Dela Cruz

1 0 0
                                    


Madilim na paligid..,
Malamig ang simoy ng hangin, rinig ko din ang rumaragasang tubig sa bandang harapan, nasan ba ako?
Isa sa mga maraming tanong na tumatakbo sa utak ko ngayon.

Di nag tagal ay may naririnig akong parang ungol na pag iyak. Sinundan ko ito at nadatnan ko ang isang babae.

"Mm- Ms..? Ms ayos ka lang po ba?"
Ang medyo nanginginig at nahihiya ko pang tanong sa isang babae, Pano ba naman kase, halos walang saplot sa harapan ko.

Nakatalikod ito sakin at dinig ko ang pag iyak nito. Hindi ko alam kung bakit wala siyang suot pero mukang may hindi tama.

Humarap ang babae saken, halos hindi ako naka galaw sa amo at ganda ng mukha niya, maputi at makinis ang balat, mahaba ang itim na itim naman niyang buhok.

Walang sabi sabi ay yumakap ito sakin ng napaka higpit. Para akong naparalisa dahil biglang di ko nagalaw ang katawan ko.

Di ko rin maipagkakaila na parang nag init din ako dahil ramdam ko ang init ng balat niya at ang malaki niyang mga hinaharap. Kasabay non ang pag papawis ko ng malamig.

Mas lalo akong nagimbang ng hawakan niya ang alaga ko. First time kong maramdaman ito, wala kase akong karanasan sa ganito, halos manginig at manghina ako sa ginagawa niya pero ramdam ko din na parang may mali.

Nang ibaba ko ang tingin ko ay umangat din ang ulo nito sakin habang nakayakap, mas lalo kong nakita ang ganda ng mukha niya,

" Ahh... Um. Mm- Ms? Ano pong gina.. gawa niyo..? Ah. " Ang pautal utal kong sabe na kasabay naman ng paghaplos niya dito

Ngumisi ito at tumawa ng mahina. At sa isang iglap ay biglang nakaramdam ako ng hapdi sa batok, narandaman ko din ang pag agos ng likido dito, dugo ko na pala iyon. Mariin na nakabaon ang mga maiitim niyang kuko,  nang napag masdan ko ang mukha Niya ay mas lalo akong nangilabot dahil biglang lumaki ang bibig nito maging ang mga mata nitong purong itim.

Dakmang kakainin na ang mukha ko ng ..

*ring bells*

Nabulahaw ang pag tulog ko sa ingay ng alarm clock ko. Unti akong bumangon. Sinariwa kung ano na lang yung napanaginipan ko.

Kasabay non ang sunod sunod kong pag hinga ng mabilis. Binangungot nanaman ata ako.

Biglang bumukas ang kwarto at sumilip si Tita Cecil. Si Tita na yung kumopkop sakin simula ng mawala sa trahedya ang mga magulang ko.

Tanggap ko naman na yun, matagal na. Ang di ko lang matanggap, ang dahilan bakit sila nawala.

"Diego. Mag aalisingko na. Simulan mo na linisin yung kusina. Aalis na ako." Bilin ni Tita.

Maaga kase ang pasok bilang guro. Agad agad ay nag hilamos na ako para matapos ko na ang task ko every morning.

Wala naman problema ang pag utos nila Tita at Tito sakin, kahit dito man lang ei makabawi ako sa utang na loob dahil simula ng mawala sila mama, inako na nila reponsibilidad para sakin, meron silang anak. Si Nathan. Mga nasa 8 years old kaya mabuti na daw na andito ako.

Para kahit paano ei bukod sa may mag babantay ay may kalaro din siya, tho 17 na ako, Senior High Student. Okay naman ang lagay ko, medyo strict lang sila Tita at Tito sa ibang rules sa bahay pero kaya naman.

Pagkatapos kong mag linis ay agad kong ginising si Nathan, parehas kasi kame ng school na pinapasukan. Sinabi ko na nakapag handa na ako ng breakfast niya, usually si Tita at ako ang nag hahanda para sa mag ama, pero urgent daw kasi sabi ni Tita kaya ako na lang daw muna bahala.

Sinilip ko si Tito sa kwarto, tulog mantika pa din ito sa sobrang kalasingan kagabi. Alam ko mamaya pa ang gising nito kaya nag iwan na lang ako ng notes para sa almusal niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LIKE NO ONE ELSE. Where stories live. Discover now