Chapter 1

8 0 0
                                    

Zol's pov.

Sobrang ganda ng araw ngayon, ito ulit ang unang beses kong makakatapak sa lupa ng Pilipinas. Pagkatapos kong mag-isa, ngayon bumabalik na ulit ako-- sa mga kaibigan ko pero may babalikan pa ba ako?

"Miss Zola?" Tawag sa'kin ng isang guard, "Pasok na po tayo?" Pagpapatuloy niya. Nag-nod nalang ako at...

...hindi ko inaasahan ang gan'to kagandang pag-salubong sa'kin.

Ang kanilang Entrance garden ay umaapaw sa kulay ng magagandang  bulaklak at mga topiary. Ang mga maids, guards, at ilan pang staffs ay nakasalansalan na nakatayo para salubungin ako.

"Welcome home, Zola, darling!" Rinig ko ang boses ni Tita Hera sa dulo ng entrace, kasama niya si tito Jeix at Archer? o si Sailor?

Maigi akong ngumiti sakanilang lahat at lahat sila'y binati ako. Tumakbo ako papalapit kay tita Hera, I miss her so much and her family.

"Parang bumata ka po tita?" Nakangiti  kong sambit.

"At ikaw naman, as what we expected,  you grown as a fine lady as your mother."

"Salamat po at sa pag-salubong sa'kin." Pero ok na din na alam kong may babalikan pa ako.

Tumingin ako sa gilid nito. Siya na ba 'to? Si A-archer?

"Arch--"

"Sailor." Ah? Si Sailor 'to? Tinignan kong maigi ang mata niya. Archer has an electric blue eyes while Sailor has an ice blue. Totoo nga, siya si Sailor.

"Oh! We? 'Di nga?" Tanong ko dito, lumapit siya sa'kin at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Oo, alam kong ikaw nga 'yan.

"Oo na, naniniwala na ako." Sabay tawa ko. Nakita kong medyo nawala ang ngiti ni tita Hera dahil simula bata palamang ay hindi na talaga siya gano'n kalapit kay Sailor.

"Tito Jeix! Hi po!" Bati ko dito at tsaka bumeso. Ngumiti ito sa'kin at binati din ako pabalik.

"Nasa'n po si Archer?"

"Nasan si Archer, Hera?"

"N-Nasa kaibigan niya, Zola."

"Ah, oo, nasa kaibigan niya, pauwi na din 'yon, Zol."  sagot sa'kin ni tito. Nasa kaibigan niya? Hays, siguro 'di niya alam na uuwi ako.

"Nakakatampo talaga ang isang 'yon!" Tumawa lang sila at inaya na ako sa loob. Pag-pasok ko sa loob ay nakita ko ang dami nang pagkain at bisita, talagang ginastusan at nag-effort sila para sa pag-balik ko.

"Kamusta ka?" Nagulat ako nang tanungin ako ni Sailor, ngumiti ako sa kanya at nag-thumbs-up

"Ok naman, ikaw?" Ok na dahil nakabalik na din ako, kahit pakiramdam ko madaming nag-bago.

"Hulaan mo." Sabi niya sabay bigay sa'kin ng strawberry cup cake, kinagatan ko 'yon tsaka mainam na tumingin sa mga mata niya.

"Ahm... tao ka pa rin naman ata?" Nilakihan niya ang nostrils niya tsaka niliitan ang mata tsaka nag bend forward sa'kin, baliw talaga 'to!

"Mukang hindi ka ok ngayon, Zol." Sabi niya sabay ayos ng bangs ko. Sinimangutan ko siya tsaka sinuntok ng mahina ang tiyan niya, napalayo siya dahil do'n.

"Ayt! Napunta ka lang sa France natututo ka na manakit, ha." Dinilaan ko lang siya tsaka tumawa ng mahina.

"Paano mo naman nasabing 'di ako ok? Aber?" Tanong ko dito, tinapik niya ang balikat ko.

"Kasi nakikita mo ay tao lang, bata palang tayo alam mong hindi ako basta tao lang. Poging tao. Poging lalaki." Tsaka kumindat sa'kin. Aba? Tila madami talagang nag-bago ah? Good for him.

Love WithinWhere stories live. Discover now