Chapter 5

6 4 1
                                    

A/N: Hi babies ko!! Sorry ngayon lang ako nakapag Update. Alam ninyo naman Busy yung author ninyo hihi.

Enjoy Reading Babies ko :)

___________

Alam niyang wala siyang mapapalang matino sa pakikipag-usap sa kanyang Kuya Dark pero nakikipag-usapan pa rin siya.

"Bakit ba ako nagsasayang ng laway na makipag-usap sa iyo, eh. Abnormal  ka nga pala? Manang-mana ka kay Dwayne. Hindi kaya iyon talaga ang kapatid mo?"

Natawa lang ito sa sinabi niya, pagkatapos ay nagpakawala ng buntong-hininga at biglang sumeryoso.

"Sineseryoso naman kita, Bunso. Kaya lang hindi talaga ako makapaniwala na in love yung mokong yun sa Ex niya." Nagsalubong ang mga kilay nito at tila saglit na nag-isip. "Hindi kaya ginayuma nong Sandra na yun si Dwayne?"

"Naisip ko nga rin iyan, Kuya Dark."

Pumalatak ito. "Pambihira naman! Bakit doon pa sa babaeng iyon nagkagusto si Dwayne? Ikaw kasi, dini-dead-ma mo siya. Paano na ang happy ending ninyong dalawa?"

"Seriously Kuya Dark, Naniniwala ka sa Happy Ending." Hindi makapaniwalang naniniwala ang Kuya Dark niya sa Happy Ending

"Oo naman, Princess. Naniniwala ako sa Happy Ending."

"Sumuko ka na, Kuya Dark. Isa Pa, alam mo namang wala akong gusto kay Dwayne diba. Sana kung mayroon man, noon pa sinagot ko na siya. diba?"

Tumirik lang ang mga mata nito. "Paano naman kasi, iyong gusto mo. Hindi maarok ng imahinasyon naming normal na tao. I mean, how can you fall in love with a guy in your dreams? You didn't even know if he exists."

"He exists Kuya Dark."

Nagpakawala na lang ng buntong-hininga ang kanyang Kuya as sinabi niya. She had been vocal in saying what her ideal guy was. Someone tall, fair and definitely handsome.

She met him in her dreams, by the way. Siguro iisipin ng mga taong nakilala sa kanya at makakaalam ng bagay na iyon na nasisira na siya ng utak. 

Because she had been waiting for that particular guy in her dreams for a long time.

Hindi niya ito kilala at Hindi pa rin niya ito nakikita o nakaka-usap. Pero naniniwala siyang nag-e-exist ito at magkikita rin sila balang-araw.

And she had been in love with this ideal guy of hers since she was in her teens.

Hindi lang isang beses niya itong nakita sa panaginip niya. Ilang beses na nagsangga ang mga landas nila sa tuwing nasa dagat siya.

His face was so detailed and defined. At sa tuwing magigising siya,mukha kaagad nito ang maalala niya.

So she knew in her heart that he was her Fated Man.

Siguro nga ay luka-luka na siya. At tiyak na pagtatawanan siya ng mga kakilala niyang makakaalam ng deep, dark secret niyang iyon.

Pero wala siyang pakialam. Naniniwala siyang magkikita sila ng lalaki sa panaginip niya.

At naniniwala rin siyang ito ang lalaking nakatadhana para sa kanya.

Matagal nang alam ng Kuya niya ang tungkol sa lalaki sa panaginip niyang iyon.

At maging si Dwayne at alam din ang tungkol sa bagay na iyon.

And as usual, pinagtawanan lang siya ng mga ito at kantiyaw ang inabot niya nang paalam niya ang bagay na iyon.

Pero wala siyang pakialam doon. Because deep in her heart, she knew she was in love with the guy in her dreams.

Matagal na niyang hindi napapanaginipan ang lalaking iyon pero hindi ito nawala sa kanyang isipan.

Napapalatak na lang ang kapatid niya. "Malala na iyan, Princess."

"Heh! Tumahimik ka nga dyan Kuya Dark tsaka walang basahin ng trip nang may trip." Naasar namang wika niya.

"Bakit naman kasi sa dinami-dami ng lalaking magugustuhan mo, iyong produkto pa ng imahinasyon mo? Nandyan naman si Dwayne-----Mabait at Gwapo. Kung sa kanya ka magkakagusto, tiyak na liligaya ang mundo."

"Ang dami mong alam Kuya Dark. Tiyak na hindi liligaya kapag tinamaan ka nitong kutsara ko."  Naiinis na kasi siya dahil paulit-ulit na lang ito na ipareha siya kay Dwayne.

"Kawawa naman si Dwayne, brokenhearted na nga, pagkatapos malalaman pang tinatanggihan mo siya nang bongga-bongga. Tiyak na mawawala ang self-confidence niya. Wala ka talagang awa, Bunso." Sabi nito sabay umiling.

Bigla naman siyang napatigil sa sinabing iyon ni Dark. Kahit madalas siyang inisin at asarin noon ni Dwayne ay concerned pa rin naman siya rito.

Ang totoo, medyo naapektuhan na nga rin siya sa nakikitang pagseseryoso nito.

Hindi pa naman siya sanay na nagseseryoso ang mokong na iyon.

Hindi tuloy niya napigilang mairita kay Sandra. Kung hindi dahil kasi sa babaeng iyon, Hindi magkakaganoon ang kababata niya.

"Kung bakit naman kasi dinami-dami ng babaeng magugustuhan, ang Sandra pang iyon ang natipuhan niya." Sunod-sunod ang naging pagsubo niya sa kanyang oatmeal.

Nanggigigil talaga siya sa isiping iyon na hanggang sa mga sandaling iyon ay ayaw talagang tanggapin sa utak niya. "Ang dami-dami namang matinong babae sa lipunan."

"Oo nga, Princess. Nandiyan ka naman."

Sinibat lang niya ng tingin ang Kuya niya. "Umalis ka nga dito Kuya Dark!  Huwag mo nang gatungan ang init ng ulo ko ngayon!"

"Masusunod mahal na Reyna." Sabi nito

_____

  Its_AudreyBelle11 | AG💋

The Fated Man Of Her Dreams (On-Going)Where stories live. Discover now