Chapter 24

8.1K 266 62
                                    

Dad has stage four lymphoma. Hindi na ito naagapan pa dahil kumalat na ito sa mga bahagi ng kaniyang katawan. Ang sabi ni Mommy, namana raw siguro ito ni Daddy sa ina niyang namatay sa katulad na karamdaman. Marami sa mga kamag-anak ni Daddy ang nagkaroon nito—ang ilan ay gumaling at sa kasamaang palad, mas marami ang hindi.

"Bakit ngayon niyo lang sinabi sa 'kin?" I asked Mom.

Irritation was visible in the tone of my voice. Ramdam ko ang pananakit ng katawan at ulo ko dahil sa tagal ng biyahe ngunit hindi ko iyon pinagtuunan pa ng pansin.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakasakay sa eroplano pabalik dito sa Pilipinas. Tinulungan ako ni Tita Brenda. Siya ang dahilan kung bakit nakakuha agad ako ng ticket pabalik dito. Gustuhin man niyang sumama ay hindi niya maaaring iwan basta na lamang ang firm pero ang alam ko'y susunod siya sa akin. My Mom needs her. Sa buong biyahe ay lumilipad ang aking isipan. Pinaghalu-halong kaba, pag-aalala, at takot ang aking nararamdaman. Ang utak ko'y napupuno ng 'bakit' at 'paano nangyari' gayong ang buong akala ko'y maayos ang kanilang kalusugan dito.

"Pinipigilan ako ng Daddy mo na sabihin sa 'yo ang bagay na ito, anak." Mom sighed. "Ayaw niya kasing mag-alala ka. Ang sabi niya sa 'kin, hayaan ka na raw namin na mag-focus sa career mo roon. Maganda na ang buhay mo—"

"Pero karapatan ko pa ring malaman, My. Anak niyo 'ko!" hindi napagilan ang bahagya siyang pagtaasan ng boses. "Willing naman akong iwan ang kung anumang buhay ang mayroon ako roon. Mommy, mas importante kayo ni Daddy."

"Kean is here naman, anak. Actually, siya ang sumasama sa amin ng Daddy mo sa tuwing may chemotherapy siya. Siya rin ang gumagastos—"

"W-Wait, what?" Umarko ang kilay ko nang marinig ang pangalan ng lalaki. "Kean knows about this?"

"Y-Yes, but don't get mad at him. Ilang beses na rin niyang sinubukan na kumbinsihin ang Daddy mo na sabihin na sa 'yo pero ayaw talaga niya. Tinakot pa niya kami na kapag once na sinabi niya sa 'yo ang tungkol sa sakit niya, hindi na raw siya magpapa-treatment."

Pareho kaming natahimik dalawa. Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga at napahilot na lamang sa aking sentido. Muli pa itong humingi ng tawad sa akin at tumango na lamang ako.

Nagulat pa ako nang sabihin niya na ang perang kinikita ni Kean sa negosyo ay napupunta sa mga gamot at chemotherapy ni Daddy.

Gustuhin ko mang magsalita, hindi ko na lang ginawa. As if I have a choice. Nariyan na, eh. Tapos na. Ano pang magagawa ko?

Ang mahalaga sa akin ngayon ay maalagaan at masulit ang natitirang araw ni Daddy. He has one month to live, sabi ng doctor. Daddy choose to stay at home with us. Tumigil na rin siya sa mga treatment dahil aniya'y wala na rin namang mangyayari. Tanggap na raw niya at imbis na mapunta sa mga gamutan ang oras niya, susulitin na lamang niya ito kasama kaming dalawa ni Mommy.

Sa tuwing nakikita ko si Daddy na nanghihina ay naiiyak na lamang ako. Sobrang laki ng pinagbago nito. Ang dati nitong matikas na katawan ay ngayo'y halos buto't balat na, kalbo na rin ito at kapansin-pansin ang malaking bukol sa gilid ng kaniyang leeg.

I left my work temporarily. Ni hindi ko na nga nagawa pang makapagpaalam sa mga kaibigan ko roon sa Australia, well, that's the least important for now. Puwede naman akong bumalik doon anytime pero ang oras na kasama si Daddy ay mahirap na. As much as possible, gusto kong ibigay sa kaniya ang buong atensyon ko. Gusto kong ibuhos sa kaniya ang pagmamahal na hindi ko naipadama noong malakas pa siya.

How I wish I could turn back the time. Kung bibigyan man ako ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan, doon ay hindi ako magsasawang paulit-ulit na ipadama kung gaano ko siya kamahal.

Doon ay paulit-ulit kong siyang yayakapin at sasabihin kung gaano siya naging mabuting ama. Dumaan man kami sa hindi magandang parte ng buhay, minsan man akong nagtanim ng sama ng loob sa kanila, hindi ko pa rin itatanggi na isa ako sa mga maswerteng tao na lumaki sa kumpletong pamilya.

Ngayon, bawat paggalaw ng kamay ng orasan ay pinapahalagahan ko. Pinapangiti ko siya, nanonood kami ng mga paborito niyang action movies na kung noon ay kinaiinisan ko dahil hindi ko trip iyong mga ganoong palabas, palagi kaming nag-se-selfie at nag-aasarang dalawa, at sabay na nagsi-siyesta sa tanghali. Halos araw-araw din kung bumisita si Kean dito sa bahay kaya naman araw-araw din akong nakakatanggap ng kantyaw mula kay Daddy.

I can see that he's really fond with Kean. Para na ngang anak niya kung itrato ito. Well, hinahayaan ko lamang sila. Kean and I are in good terms. . . I guess. Casual kami sa isa't isa. Hindi naman kasi kami nag-uusap. Tanging ngiti at tango lang ang nagiging interaction naming dalawa. Kung may itatanong man, tungkol lamang ito sa mahahalagang bagay.

Hindi ko rin naman itatanggi na malaki ang pinagbago niya. He became more mature and handsome. Ang katamtaman nitong katawan ay ngayo'y hulmado na tila ba palagi siyang laman ng gym.

Every move he makes, his biceps were flexing. Mayroon na rin siyang kaunting balbas na bumagay naman sa kaniya. In fairness, hindi na siya mukhang totoy. Maugat pa rin ang kamay nito. Kung susumahin, sa unang tingin ay hindi mo aakalaing isa siyang accountant, mukha siyang modelo o fictional character na lumabas mula sa libro.

Two weeks had passed so easily. Today is Monday. Maaga akong gumising para magluto ng agahan pero bago iyon ay dumaan muna ako sa kwarto nina Mommy at Daddy para silipin sila.

Napangiti ako nang makita si Daddy na mahigpit na nakapulupot ang mga braso sa katawan ni Mommy na animo'y tatakasan siya nito. Dahan-dahan ang ginawa kong paghakbang para kunan sila ng litrato. Lumapit ako sa kanila para bigyan sila ng masuyong halik sa noo.

"Mahal na mahal ko kayo. . . sobra," I uttered, almost a whisper.

Inayos ko ang kumot na nakabalot sa kanilang dalawa bago tuluyang lumabas ng kanilang kwarto. I was humming a song while walking on my way to kitchen. Natigilan lamang ako nang makarinig ng sunud-sunod na katok mula sa main door. Nagtataka akong sumulyap sa wall clock at nang makita na wala pang alas-siyete ng umaga ay nangunot ang noo ko.

Sino naman kayang talipandas ang pupunta rito sa bahay ng ganito kaaga? Wala ba siyang pamilya at mas pinili niyang mang-abala ng buhay ng iba?

Ang nakasimangot kong mukha ay napalitan ng pagkagulat nang makita kung sino ang gwapo—este ang walanghiyang kumakatok ng pagka-aga-aga.

"Kean? Ginagawa mo rito?" taka at irita kong tanong bago siya pasadahan ng tingin mula ulo mukhang paa—I mean, hanggang paa.

Agad nanuot sa aking ilong ang kaniyang matapang at pamilyar na pabango. Hindi pa rin pala siya nagbabago ng perfume? Kilala ko ang amoy na 'yon, eh, dahil iyon ang madalas kong nireregalo sa kaniya noon.

"Saan ang lakad mo? Bihis na bihis ka, ah?" kuryosong tanong ko.

"H-Ha?" tila wala sa sariling aniya at kumurap-kurap siya. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang marahas niyang paglunok. "A-Ano. . . sa palengke lang."

My brows furrowed. Muli kong inulit ang pagpasada ng tingin sa suot niya. Fitted white basic tee, denim jacket, ripped denim jeans, and white sneakers. May aviator din na nakasabit sa kaniyang damit. . . tapos mamamalengke lang?

"Oh. . . okay? Ang sosyal mo naman mamalengke. I wonder kung anong suot mo kapag nag-mall ka, siguro naka-tux ka na?"

Umawang ang labi niya ngunit hindi nakapagsalita. Maya maya pa'y nagpakawala ito ng pagak na tawa. "A-Ano, hindi naman." Halatang nahihiya.

I nodded my head in response. "So, bakit ka nandito? Mukha bang palengke bahay namin?"

"M-Makikikain ako bago mamalengke?" mukhang hindi pa siya sigurado kaya naman napangiwi ako.

Pinandigan pa talaga niya iyang palusot niya, huh?

Umirap ako at nilakihan ang awang ng pinto. "Sige na, pumasok ka na," tinatamad kong sagot bago siya tinalikuran at dumiretso na agad ako sa kusina para makapagluto na ng agahan.

I put my hair into a bun. Nang lingunin ko si Kean ay para itong tuod na nakatayo sa likod ko, nakaawang ang labi habang nakatingin sa aking batok. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang namumuong pawis sa gilid ng kaniyang noo.

I tsk-ed and shook my head at him.

Don't tell me hanggang ngayon ay patay na patay pa rin siya sa akin?

Parting Our Equities (Accounting Series #3)Where stories live. Discover now