"Kailan ba mawawala yung sakit?"

2.7K 36 6
                                    

Kailan nga ba? Pag nakamove on ka na? 

Nagmomove on nga ba talaga ang tao? O nasasanay lang sila sa sakit hanggang sa mamanhid na sila? Tapos inaakala nila na nakamove on na sila, but the truth is bitter lang sila? Ano nga ba talaga? Nagmomove on ba ang isang tao? O nasasanay lang sa mga bagay na nagbago? Sa mga bagay na nakasakit sa kanila? 

Pati ako, naguguluhan na din eh. Hahahaha. 

So, ang tanong.. kailan ba mawawala yung sakit? 

Para sa akin, as time goes by.. 

Nawawala ang sakit. 

Naghiholom ang mga yan. Nakakalimutan mo na yung pakiramdam na nasaktan ka. Nakakalimutan mo yung pakiramdam noong umiiyak ka ng ilang gabi habang nakatakip ang bibig mo kasi baka marinig ka ng mama mo na umiiyak. 

All things are passing away. All things are changing. 

And sometimes, it's for good. 

I mean, yes lahat ng bagay lumilipas. Hate? Lumilipas. Ang mga tao, napapagod dun yan magalit. Love? Aminin na nating lahat na kahit ang pagmamahal, nawawala. Lumilipas din. Nagbabago. Pwedeng bukas, mahal ka nya tapos pag gising mo isang araw, nagbago na bigla sya! Edi wow! Kahit yang sakit na nararamdaman mo? Mawawala yan. Hihilom yan. Hayaan mo lang kasi na makaramdam ka ng sakit. Kung hindi tayo makakaramdam ng sakit, paano tayo matututo? Pano tayo magg-grow up?

Siguro kung may isang bagay na permanente. Para sa akin, yun ay ang pagbabago. 

Lahat ng bagay nagbabago. Lahat. 

Pati tao, nagbabago rin. Biglaan, walang signal na magbabago pala sila. 

Kung itatanong mo sakin kung kailan mawawala yung sakit? For me, God's perfect time. Mararamdaman mo naman na wala na yung sakit. Kapag nakikita mo sya, tapos hindi ka na nasasaktan. Kapag nakikita mo syang kasama yung bago nya, tapos wala ka ng pake. Yung tipong makikita mo sila, tapos hindi ka na iimik ng "ANG PANGET NAMAN NG PINALIT NYA SAKEN EH!" "WALANG FOREVER!" "MAGBEBREAK DIN KAYO!" "LOLOKOHIN KA RIN NYAN KATULAD NG GINAWA NYAN SAKEN!" "MABANGGA NA SANA KAYO!" 

Kakatawa man, pero totoo. Yung tipong, wala ka na talagang pake. Makabalita ka man tungkol sa kanya, hindi mo na yun iisipin pag dating ng gabi. Hindi mo na iooverthink ang mga bagay bagay. 

So kelan? God's perfect time. 

My EX.. still my NEXT?Where stories live. Discover now