Chapter 3

56 29 0
                                    

Pagkatapos na pagkatapos kong mag dinner tulad ng sabi ni Mommy at Killian inayos ko na agad ang mga gamit ko para sa overnight namin, ang mga dadalhin ko lang pang lower ay dalawang black nike club jersey short, isang leggings. At ang pang top ko naman ay dalawang oversize shirts at isang croptop at isang pair ng pantulog para mamaya. Nabanggit kasi ni Killian na hanggang bukas ng hapon daw kami duon kaya dinamihan ko na yung dadalhin ko at para sigurado na rin ako.

It's already 9:45 PM but Killian still not here, Nakalimutan niyang sabihin sakin kung anong oras niya ko susunduin, basta ang sabi niya lang "I'll pick you up later." Wala tuloy akong choice kundi mag hintay sa kaniya.

Mag babasa muna sana ako ng biglang tumunog phone ko, Agad agad ko itong binuksan.

Theo sent you a message

Theo:
I'll be there in ten mins.
Mabuti naman naisipan niya kong itext.

Agad ko na lang siyang nireplayan ng "okey". I'm kinda excited because this is the first time that Killian will fetch me.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at bumaba na para duon na lang hintayin si Killian. Tulad nga ng sabi niya wala pang ten mins ay nakarating na siya. Simula sa loob ng bahay tanaw na tanaw ko sa bintana ang kotse na gagamitin namin papunta sa bahay nila Zake at Alisha. Pinagmasdan ko siyang bumaba sa sasakyan. Kahit kailan talaga Killian you got me. He look so attractive. No he's already attractive.

Nag madali akong nag lakad papuntang gate nang napansin kong pa doorbell na siya. Ganun na lang lumitaw ang mga ngiti niya sa labi ng makita niya ako.Your smile makes my heart beat faster. At wala akong magawa kundi ilabas ang saya sa pamamagitan ng pag balik ko ng ngiti sa kaniya.

" Good evening" Bati niya sakin habang pinag bubuksan ko siya ng gate.

"Good evening, pasok ka muna para makapag paalam muna tayo kay Mommy bago umalis" Anyaya ko sa kanya.

"Okey" sabi niya.

Agad agad ko naman sinara ang gate at pinangunahan siyang maglakad papasok ng bahay. Bubuksan ko na sana yung main door ng bigla niya kong hatakin sa siko.

" OMG!!!" Ganun na lang ang gulat ko sa ginawa niya dail muntikan na kong matumba , buti na lang na balance ko sarili ko.

"KILLIAN WHAT'S YOUR PROBLEM?" Hindi ko na mamalayang pag sigaw ko sa kanya dahil sa gulat . Goshh yung puso ko.

"Luh sorry HAHAHAHA, hindi ko naman alam na ganun ka kagulatin," Paghingi niya ng tawad habang natawa. Bwesit kung alam mo lang kung gaano kahina puso ko sa mga ganyang bagay. "Gusto ko lang naman mag sorry because I didn't tell you what time I'll pick you up. Alam kong nag hintay ka, So sorry." Seryosong dagdag niya

"Lintek ka pinakaba mo ko sa ginawa mo, Hindi mo naman ako kailangan hilaan basta basta. Pwede mo naman akong kausapin about jan pag nasa loob na tayo piste ka." Naiinis na sabi ko sa kaniya.

Promise To The Moon   Where stories live. Discover now