Sins 🔸 21

6.2K 795 199
                                    

Alessia's POV

NAGISING na lamang ako dahil sa kakaibang ingay. Napakunot ang noo ko dahil sa malalakas na putok at medyo yumayanig ang lupa. Agad na hinanap ko si Stefano at nakita ko naman siya na nakatayo pa rin sa dating pwesto pero medyo nakakunot noo na ito. Mukhang nababahala ito sa nangyayari sa labas lalo na at wala si Elijah.

"Kailan nagsimula ang atake?" Agad na tanong ko at si Sushi naman ngayon ay nasa sahig na nakatayo ngunit tuta pa rin ito. Nakatingin lang ito sa bakal na pintuan na tila may hinihintay. Alerto ito, lalo na at naririnig nito ang kagulohan sa labas.

"Around 10 minutes already, milady." Sagot niya sa akin. Binalewala ko na lang ang pagtawag niya sa akin ng milady kahit gusto ko siyang pandilatan.

Napatingin naman ako sa dako ni Natalia na ngayon ay napansin ko na tulog na tulog. Ang tagapagsilbe na si Aliyah naman ay inaantok habang nakatayo. Itinuon ko ang tingin ko sa sahig at pinakinggan ang ingay sa labas.

Sampung minuto na ang nakakaraan na nagsimula ang pag-atake. Maingay sa labas at hindi ko alam kung magtatagumpay ba sa pagdepensa ang mga kawal. Naalala ko na mas malakas ang mga demon ngayon sa gabing ito dahil bagong buwan.

Bigla naman humarap sa akin si Stefano. "Milady..." magalang na saad niya sa akin na pakiramdam ko naman ay binubuwiset niya lang ako sa pagtawag sa akin ng mga katagang iyon. "Kunin niyo ito." At iniumang niya sa akin ang isang may kaliitan na espada—o espada ba talaga ang tawag dito. Parang kalahati ito ng taas ng espada. Nagtataka naman akong tinanggap iyon.

"Para saan ito?" Tanong ko sa kanya na nagtataka. Medyo inaantok pa ako kaya hindi ako masyadong makapag-isip ng maayos.

"Ulamin mo kung sakaling gutom ka." Seryosong sagot sa akin ni Stefano at sa inis ko sa sagot niya ay muntik ko ng isaksak sa kanya ang patalim na binigay niya sa akin. Tumawa naman si Stefano. "Nagbibiro lang naman ako, Milady. Kakailanganin mo iyan kung sakaling may kalaban. Pero nag-aalala ako dahil wala ka pang karanasan sa paggamit ng espada. Maliit yan binigay ko sayo dahil hindi mo kakayanin ang malaki." Paliwanag naman niya sa akin at napakamot ito sa batok.

May karanasan naman ako, gayon nga lang ay pekeng espada iyon na itinuro sa akin ni lolo. Hindi iyon tunay kaya magaan lang iyon at madali kong natutunan. Pero ibang usapan ang totoong espada dahil mabigat iyon dahil gawa ito sa solidong bakal pati na ang hawakan at balute nito. Hahawakan mo pa lang ito ay mahirap na. Kaya miminsan lang ang mga babaeng mandirigma dahil iilan lang din ang hindi maarte at mas gusto ang mga mabibigat na bagay.

Ang ibinigay niya sa akin ay hindi masyadong mabigat, sakto lang. Hindi man kasing gaan ng nakasanayan ko ay kaya ko pa rin ito. Itinuon ko naman ang aking tingin kay Stefano.

"Makikipaglaban ba ako sa labas?" Tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko ay parang nabagok ang ulo ko at naging bobo dahil sa tanong na iyon. Paanong hahayaan niya akong makipaglaban sa labas? Kaya nga nandito na ako sa tagong silid na ito. Gusto ko na talagang batukan ang sarili ko dahil sa tanong na iyon. "Ah, wag mo ng sagutin. It's a stupid question."

Bumuntong hininga naman si Stefano bago nagsalita. "Just use this in case of emergency. I cannot stay here with you, I need to help the sentinels. You'll be safe here." Habilin sa akin ni Stefano at tumingin naman ito sa likuran ko kung saan ay nakatayo si Estrebelle.

Tumango naman ako sa kanya. "Mag-ingat ka. Mumultohin kita paghindi ka nakabalik ng buhay." Simangot ko sa kanya at bigla naman ginulo ni Stefano ang buhok ko. Ngayon na lang niya ulit ito ginawa kaya bigla akong kinabahan dahil parang nagpapaalam na ito sa kanyang mga huling sandali. Ngunit inalis ko naman iyon sa isipan ko.

"Stupid. Ganyan ba katindi ang pag-aalala mo sa akin at ikaw na buhay ang mumulto sa patay? Tsk, Ales ayokong mamatay sa kamay ng hari pag nalaman niya ito." Pailing iling na saad nito na tila kay laki ng problema niyang kakaharapin.

Immortal' Sins |Immortal Series Three|Where stories live. Discover now