Prologue

9 2 0
                                    


ASAD PROLOGUE

"I'm breaking up with you..."

Agad akong humakbang paatras para makapagtago. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Dapat ba akong malungkot?

No.

I should be happy. Matagal ko nang hinihiling ang sitwasyon na 'to. Kailangan n'yang makalaya para makuha  'yung chance ko. Napangisi ako nang makita kong tumango si Maru.

That's right, Maru. That's right... Break up with her, give me my chance.

Napakapit ako ng mahigpit sa strap ng bag ko nang makitang humakbang siya papalapit kay Phillar. Babawiin niya ba ang sinabi n'ya?

She doesn't deserve you! Don't change your mind! Break up with her!

I repeatedly chanted in my head. Kilalang mabait si Phillar sa buong campus, anghel ang turing ng tao sa kan'ya. Matulungin, magalang, mahinhin at higit sa lahat, girlfriend ni Maru. Maru's pretty famous, hindi lang dahil sa hitsura, pangangatawan at talino, kundi pati na rin sa pinagmulang pamilya. Maraming nagkakandarapa na babae sa kan'ya, pwedeng sabihin na isa ako sa kanila pero malaki rin ang pagkakaiba ko sa mga babaeng hanggang pangarap lang siya. Wala silang determinasyon.

Well, hindi ko rin naman alam na gugustuhin ko palang makasalamuha si Maru tuwing may family gathering. Matalik na magkaibigan ang pamilyang Andrada and Cervera, kaya naman every occasion or family dinner ng Cervera ay invited ang pamilya namin, gano'n din kami sa kanila.

"I'll just stay here, tell them na may sakit ako kaya di ako puwedeng sumama," utos ko kay Len na agad naman niyang sinunod.

Tumayo ako at inabot ang phone ko sa may night stand. "I'd rather go party with Solana than go to that boring dinner again," I dialed Sol's number.

"The subcriber's cannot be reached, please try... " Agad ko nang pinutol ang tawag. Shit. Timing!

Nilibot ko ang mata ko kung anong puwedeng magamit sa dahilan ko, huminto naman ang paningin ko sa blower na nakapatong sa vanity table. Agad akong tumayo at kinuha 'yon. Kung hindi ako makakalabas ay gagawan ko na lang ng paraan para hindi lang makapunta sa dinner na 'yon!

I plugged the blower and turned it on. Agad kong itinutok sa may bandang tenga ko 'yon, sana mag-work! Napapikit ako sa init, bago ko pa man mapatay ang blower ay niluwa na si mommy ng pintuan.

Here we go again...

"Dennise!" She exclaimed angrily.

Tamad kong binunot ang blower at inilapag 'yon muli sa table.

"Mom," I groaned.

"If you keep being this stubborn, I'll tell your dad to cut your cards!"

Hindi ako kumibo at bumalik lang papunta sa kama ko. Narinig kong tumikhim siya bago muling nagsalita, "You'll be grounded for two weeks, no phones, no night outs, no money, nothing at all!"

"What?! You can't do that!" Alma ko. Napasimangot ako sa sinabi niya. Ang mawalan ng pera ay makakaya ko pa, I can do something about it anyway, pero ang bawalan ako sa lahat ay ewan ko na lang...

"Try me, Dennise. Baka gusto mong pulutin ka na lang sa kangkungan," she crossed her arms and raised her perfectly arched brows. I sighed. I guess attending that boring dinner won't hurt, right?

Hindi na sinama si Dane, every weekend ay hinihiram siya nina Lola. What a lucky four-year-old kid. Gusto ko na lang din mag-stay kina Lola.

The Cerveras is one of the most elite family in the country, huh? Knowing that they have the most successful and famous chain of five-star hotels maging sa labas ng bansa and real estate companies, kayang kaya bumuhay ng apo hanggang sa kalingkingan ng pamilyang 'to kahit hindi na magtrabaho ang mga anak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Silly Autumn Day (Season Series #3) Where stories live. Discover now