01:// Kumupas Na Pahina

20 5 0
                                    

01 Entry

Kumupas na Pahina

Sa mundong ka'y tagal ko ng nilalakaran, sa isang hindi inaasahang mga pangyayari.
Hindi isa ngunit sindami ng mga bituwin sa langit ang trahedyang gumulat sa atin.
Mabilis tumakbo ang oras ngunit animo'y tumigil ng magsimula ang panibagong taon.
Aksidente, Pandemya, Bagyo't lindol, Lockdown, Pagkagutom...
Ito na yata ang taong kailanma'y hindi ko na babalikan.

Mga ngiti't saya. Tawanan. Biruan. Lahat ng iyo'y naglaho.
Mga plano, oras na dapat ay nailaan sa magandang oportunidad ngunit hindi nakamtan.
Lahat ay nalugmok sa kanya kanyang tahanan, takot na mapalapit sa kapahamakan.
Ang taong ito ang mananatiling nakaraan at kasaysayan na lamang ngunit hindi malilimutan ng mga taong nakasaksi nito.

Naala ala kong bago magsimula ang taon ay kumuha ako ng blankong papel.
Isinulat ang bawat salitang pumapasok sa isipan ko.
Mga pangarap na gusto kong buuhin.
Mga bagay na gusto kong baguhin sa aking sarili.
Mga ugaling gusto kong palutangin sa akin.

Ang gabing iyon na ipinangako ko sa aking sarili na ako'y magiging isang mabuting tao.
Isang mapagmahal na anak.
Masunurin na anak ng diyos.
At mahusay na mag aaral.

Ngunit sino nga bang nakakakita ng hinaharap?
Paano akong nakakasiguro na ang lahat ng iyo'y matatamo ko?

Isa iyon sa pinakapagkakamaling nagawa ko,
Ang umasa na ang lahat ng aking ninais ay makukuha ko.

Nagsimula sa enero hanggang sa pebrero at ang aking kaarawan.
Naalala kong inilagay ko sa aking kuwaderno na sa aking kaarawan ay gusto kong makasama ang aking mahal sa buhay sa araw na iyon,
Ngunit sadyang bigo ako sa pagkakataong iyon.
Ang lola ko'y may sakit,
Ang ina ko'y may trabaho,
Ang kapatid ko'y abala sa pagaaral,
At ako lang ang naiwan sa aming tahanan.

Siguro'y nakatadhana ng ganito ang mangyari,
Akala ko'y matutulog akong hindi ngumiti sa araw na iyon,
Ngunit naalala ko ang pito kong iniidolo,
Nagpasaya at nagpatawa sa akin.

Pumasok ako sa eskwelahan,
Inaakalang walang babati sa akin
Ngunit nakita ko sila,
Ang mga kaibigan kong niyakap at binati ko.

Sa mga sandaling iyon ay inaasahan kong matutulog akong nakangiti,
Ngunit hindi ganoon ang nangyari.
Sa huling pagkakataon,
Humiling ako sa aking kaarawan,

Dumaan ang Marso at naglockdown,
Tinigil na ang pagaaral.
Abril, nawalan ng trabaho si mama.
Mayo, magkakasama sama kaming lahat sa bahay.
Hunyo, naisipan naming mag negosyo.
Hulyo, kaarawan ng aking ina.
Agosto, nagsimula ng mamuo ang pader sa bawat isa sa amin.
Setyembre, hindi inaasahan ngunit nangyari, nakakilala na sa diyos ang lahat sa amin.
Oktubre, nagpatuloy ang pagsamba namin sa diyos na ikinasaya ng lahat.
Nagsimula na ang klase.
Nobyembre, kaarawan ng aking kapatid.
Disyembre, ang huling buwan sa taong ito.

Wala man sa lahat ng ito ang mga pinlano ko,
Siguro'y ganito nga talaga,
Ang diyos lamang ang may alam ng ating hinaharap.

Ang isa sa pinakagusto kong makalimutan,
Ay ang mga mindset kong magplano sa hinaharap,
Kundi ang magplano  ng kasama ang diyos.

At ang gusto ko namang simulan sa taong ito,
Ay ang magtiwala at patuloy na sumama sa diyos sa magandang hinaharap.

Ang 2020,
Ay mananatili na lamang na kumupas na pahina.

******

Written By: Heyitz_Heart24

Written EmotionsWhere stories live. Discover now