02:// 4 Hours Being Mine

13 2 0
                                    

02 Entry

4 HOURS BEING MINE

I was Alone.
Until I found you.
I was once yours,
And you were once mine.

It was October 23 when another book had started.

I was all alone in our house, I'm freakily feeling bored, nagisip ako ng magandang gawin ngunit biglang tumunog ang aking cellphone. Ang kaninang may lamay na GC ay biglang nabuhay.

Daniela: Wazzup gaiz, di pa ba tapos lamay?

Lorraine: Tapos na siz, naibaba na yung kabaong.

Summer: Di ka ba inform? San kaba kasi nagdako at bigla kang nagdisapir.

Daniela: Naghahanap kasi ako ng ka birthday ko sa sementeryo.

Napatawa ako sa mga biro nila habang nagiisip ng maitatype. Isinandal ko ang likod ko sa aming sofa, habang nakapatong ang paa ko sa lamesa sa harapan.

Jhanna (Ako) : Oh talaga? Nakahanap ka naman?

Daniela: Siyempre wala. Unique kasi ako.

Napahalakhak ako ng tawa. Sila ang mga online friends ko. Nahanap ko lang sa facebook, mga naliligaw na sadgirls at sadboys kaya pinagtipon tipon ko para makabuo ng grupong makakasama kong lumangoy papuntang korea.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin at mukhang aabot ito ng madaling araw. Halos isang taon ko na rin silang nakilala at sobrang naging close na kami kahit na malalayo kami sa isa't isa.

Lumipas ang isang oras ng biglang magsend si Daniela ng isang litrato.

Daniela: (sent a photo) jha, i-mine mo na kung ayaw mong tumandang pandak.

Napakunot ang noo ko bago tinignan ang litrato, litrato ng lalaki. Matagal na silang nagrereto sa akin ng kung sino sino dahil ako na lang ang single sa aming lahat.

Jhanna: Ano pangalan?

Daniela: Kapag sinabi ko, i mine mo na ha.

Lorraine: MINE NA! MINE NA! MINE NA!

Summer: Mine mo na, para may ka date ka sa pasko, bagong taon, valentines at ka bebe time.

Napailing ako sa mga pinagsasabi nila.

Daniela: Jason Cruz.

Napakagat ako sa labi. Wala namang mali kung susubukan ko diba?

Jhanna: Ok.

Tinignan kong muli ang sinend niyang litrato, mukha niya ang ang makikita at nakasuot ito ng bunny headband at nakanguso sa camera. Wala talaga akong pake kung ano man itsura niya, iharap niyo man pinaka gwapo sa akin, kung hindi yan si Hwang in yeop, sorry na lang.

Agad itong in-add ni Daniela sa GC. Nung una ay paseen seen lang ito, seener pala ang kupal. Hindi pa ako nagchachat dahil minamasid ko muna siya.

Jhanna: Jason

Pag tatawag ko sa kaniya ngunit hindi siya nagrereply pabalik. Ilang beses ko itong ginawa.

Jhanna: Seener pala siya gaiz, iba na lang.

Ilang segundo ang lumipas bago siya nagreply. Sa wakas.

Jason: Anong gusto mong i chat ko? Ang pangit mo?

Napaayos ako bigla ng upo. A-anong sinabi niya?

---

Lumipas ang ilang araw at ganon lagi ang usapan namin. Asaran, hindi Harutan. Hindi ito ang ineexpect kong mangyari pero hindi ko rin naman gusto na magkafeelings kami sa isa't isa no! Sa sobrang kapal at hangin ng ugali niyang yan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Written EmotionsWhere stories live. Discover now