LOVE IS NOT ABOUT SEXUALITY

17 3 1
                                    




(You can play this song while reading)


~~~~


Ano nga ba ang pag-ibig? Kailan? Saan? At kanino mo lang ba dapat itong maramdaman? 


Isa ito sa mga tanong na lagi kong naitatanong sa aking sarili.


 At higit sa lahat, ang pag-ibig nga ba ay naka base lang ba sa ating kasarian? 





"Hiraya! Wake up! You'll gonna be late for your shoot!" sigaw ni mommy sa pinto ng aking kwarto.



Ako si Hiraya Sy, dalawampu't apat na taong gulang. Nagmula sa marangya at kilalang pamilya na isa sa pinaka mayaman sa Pilipinas. Bukod sa mayaman na pamilya ay kilala rin ako bilang isang sikat na artista.




Mabilis lang ako nakapag ayos at handa ng sarili. Matapos gumising at makapag handa ay baba na lamang ako at naka handa na sa hapag kainan ang pagkain. Nakita ko na rin ang mga kapatid ko maging ang parents ko na nakaupo sa lamesa at ako na lang ang hinihintay.




"Good morning!" bati ko naman bago maupo sa upuan. 



"Look at yourself Hiraya. Are you okey?" my dad asked.



"Yeah Ate, are you okey?"



"I'm okey, lack of sleep  I think?" sagot ko at ngumiti para maibsan ang pag-aalala nila.



"If you're not feeling well, just tell me okey? I can call your manager so you can take a rest." sabi naman ni Mommy. Mas lalo ako napangiti dahil sa nakikitang concern nila saakin.



"Thank you mommy but I'm really good."



"If you also have a problem don't hesitate to tell us." I hope I can say it...



 Masasabi ng karamihan na madali na lamang ang buhay dahil sa yaman ng aking pamilya ngunit, ang buhay na meron ang isang tulad ko ay may mga problema at pagsubok din na pinag dadaanan. Isa na rito ang takot na mahusgahan at marinig ang sasabihin ng ibang tao lalo na ng aking Pamilya. 

Love Is Not About Sexuality ✔️Where stories live. Discover now