13

70 7 0
                                    

Nagpaalam ako kay Samantha para makakuha ng ilang gamit at nangakong babalik agad, balak kong mag stay sa ospital kasama sya gusto kung bumawi sa mga taon, buwan at araw na hindi nya ako kasama.

"Miguel? anong ginagawa mo dito?"
Nasa labas sya ng ospital at sigurado akong ako ang hinihintay nya.

"Tinawagan ako ni Talia, sabi nya nandito ka at wala kang sasakyan pauwi"
Pinatay nya ang sindi ng sigarilyo at itinapon sa malapit na basurahan.

"Nasaan si Talia?"
"Hindi bat alam mo kung nasaan sya?"
Bumuntong hininga ako, sa totoo lang hindi ako makapag isip ng maayus at ang bigat bigat ng dibdib ko dahil sa mga nangyayari. Hindi ko na din alam kung alin at ano ang kailangan ko but I am certain bout one thing Im mentally and physically exhausted. 

"Kumusta?"
Simple lang naman ang tanong ni Miguel pero parang ang dami dami kung gustong isagot, na hindi ako okay, at nagkita na kami ni Samantha at sinisisi ko ang sarili ko sa maraming bagay, at bakit sa dinami dami ng masasamang tao bakit si Samantha pa?
Talia singit ng utak ko, napahawak ako sa batok ko at bahagyang inikot ang ulo pakanan at pakaliwa.

"Messy situation? Tara uwi tayo"
Inakbayan nya ako at hindi na hinitay pang maibuka ang bibig ko para sa sagot.

Isa isang bumabalik ang alaala ng nakaraan at parang sine ito na malinaw na nagplaplay habang binabagtas namin ang pamilyar na daan, napapikit ako ng mariin ng maramdamang para akong sinasakal, ibinukas ko ang unahang butones ng polo shirt na suot para tulungan ang sariling huminga.

"Tol! Diba yan yung anak na lesbiana ni Mayor?"
Rinig ko hindi kalayuan sa aking pwesto, naglakad ako palayo para makaiwas ayaw ko na ng gulo ayoko ng ipaliwanag ang sarili ko nagsasawa na ako. Mula ng pumutok ang balita kabikabilaan na ang pambubully na natatangap ko. Madalas kong kwinekwestyon ang lahat dahil sa mga nangyayari ngunit wala akong mapagsabihan hindi ko mahagilap si Talia, at pinapaiwas sa akin si Samantha. Umalis ako sa bahay matapos makasagutan ulit si papa pilit nya akong pinapalayas sa bahay, ilang beses ko na syang sinubukang kausapin pero ayaw nyang tangapin lahat ng paliwanang ko sarado ang utak nya sa lahat ng sinasabi ko. Hindi ko na alam kung saan ako papunta at kung saan ako dadalhin ng sariling mga paa wala pa akong maayus na pahinga hindi rin ako makakain dahil sa masyadong pag iisip.

"Maganda ka pala sa personal, lalo na sa malapitan"
Dalawang lalaki ang agad lumapit sa akin at pinagitnaan ako, nasa tagong parte kami ng parke.

"Hindi ko kayo kilala"
Nilagpasan ko sila ngunit agad na hinawakan nung kalbong lalaki yung kamay ko, may mga itsura naman sila at mukhang mga disente kaya bakit nila to ginagawa.

"Hmmmm, masungit pala ang lesbiana ng mga Lacuesta alam mo Jackie, tama no? Hindi ka pa nakakatikim ng sarap galing sa mga lalaki at napakaswerte mo kasi ngayon ipapatikim namin sayo yun!"
Nakaramdam ako ng kaba ng pareho silang nagtawanan, alam kong nasa panganib ako at masyadong nanghihina ngayon ang katawan ko para makipagbuno.

"Bitawan mo ako!!"
Sinipa ko ang harapan nung lalaking nasa unahan at siniko ang sikmura nung lalaking nasa likod ko na may hawak ng aking kamay. Saglit akong nakawala sa kanila ngunit hindi pa ako nakakalayo ng may humawak sa kanang kamay ko, nanggigil nya akong sinakal na halos ikawala ng ulirat ko at tinumba sa damuhan mabilis na kumalat ang sakit ng may tamaan akong bato sa aking pagbagsak.

"TULUNGAN NYO AKO !!!!SOMEONE!!!! PLEAAAASSEEE!!!"
Pinipilit kong maging matapang para sa sarili ko ngunit hindi ko mapigilang lumuha dahil sa awang nararamdaman para sa akin, masyado na akong pagod kasalanan ko bang magkagusto sa babae? Ginusto ko bang makaramdam ng ganito? Hindi nyo ba ako kayang tangapin?

"Tiba tiba tayo dito!"
"Bilisan mo dyan susunod pa ako"
Nagtawanan yung dalawang demonyong hayok sa laman, gusto ko ng mamatay.

"PATAYIN NYO NA AKO!!"
Nakapikit kong sigaw, ilang minuto ang lipas ngunit wala akong pag galaw na naramdaman wala na din sa leeg ko ang malalaking kamay ng lalaking kalbo. Ayaw kong dumilat ng makarinig ako ng ilang sigawan at galit na galit na mga lalaki gusto ko ng magpahinga.

"Jackie? Bunso? Miguel!!! Miguel!!! dalhin mo dito ang sasakyan walang malay si Jackie !!! Bilisan mo!!!!"
Gusto ko sanang imulat ang mata ko para tanawin si Kuya Victor pero masyado na itong mabigat kaya hinayaan ko nalang ng pangkuin nya ako.

"MGA HAYOP KAYO!!!! MGA GAGO!!! MABUBULOK KAYO SA KULUNGAN AT SISIGURADUHIN KONG SISINGILIN KO PATI ANG PAMILYA NYO!!!!
Boses yun ni Kuya Lucas, gusto kong matawa dahil ngayon ko lang sya narinig na sumigaw tahimik yun at hindi gaanong nagsasalita kaya feeling ko mapuputol na yung litid nya sa leeg.

"Are you okay?"
Boses ni Miguel ang nagbalik sa akin sa nakaraang kahapon.

"I-I think"
"Pawis na pawis ka naka aircon naman ang kotse"
"Pwede mo ba akong ibalik sa city?"
"No masyadong malayo, mag gagabi na rin at kailangan mo ng pahinga, isa pa nasabi ko na kay mama na darating ka"

"Okay"
I said in defeat, Hindi ko akalain na babalik ako sa ganitong sitwasyon.

Malayo palang ay tanaw ko na ang malahiganteng gate na tumatakip sa malapalasyong bahay ng mga lacuesta.

"Andito na tayo, ready kana?"
"I dont think I have a choice"
Bumukas ang electronic gate at tuloy tuloy ng ipinasok ni Miguel ang sasakyan sa maluwag na bakuran. Nag iisang bahay ito sa gitna ng kaparangan at tila isa itong magandang bulaklak na nagmamalaki sa lahat ng matang tumitingin.

Pain of Yesterday (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon