Chapter 4

343 32 5
                                    


KEN'S POV


Maririnig sa buong bar ang malakas na tunog ng music. Karamihan sa mga tao dito ay nasa gitna at sumasayaw na para bang eto na ang huling araw nila sa mundo. Mga taong hindi mo sigurado kung nagpapakasaya nga ba sa buhay nila?... o katulad kong tumatakas lang sa masalimuot na realidad na kinasasadlakan nila??


Ang lugar na ito na ang naging hingahan ko mula nung magdesisyon sila daddy na ipakasal kami ni Rita. At hindi ko lubos maisip na nagawa kaming bilugin ng babaeng 'yon! Paano niyang nagawa na sabihing may namagitan samin noon?! Alam ko. Sigurado ako na 'yung nangyari samin nung isang gabi ang unang beses na naranasan niya 'yun! Halos hindi ko rin mapigil ang sarili ko nung oras na 'yun dahil sa pagragasa ng pagkamuhi ko sa kaniya dahil niloko niya ko! Niloko niya ang buong pamilya ko!! Pinaikot niya kaming lahat para magawa ang gusto niya!

Naging marahas ako sa kaniya nung gabing 'yun. Ipinaramdam ko yung sakit na karapatdapat lang niyang maramdaman dahil sa panloloko niya samin... sakin!



At para bang lahat ng pagkakakilala ko sa kaniya mula nung mga bata pa lang kami ay nawala na lang bigla. Naglaho na, dahil mali pala ako ng pagkakakilala sa kaniya... Nagkamali ako na naging kaibigan ko siya. Maling-mali dahil ngayon.. heto ako at nakakulong sa isang sitwasyong hindi ko ginusto.




"Hey," bulong ng familiar na boses sa tenga ko.





Tinignan ko siya at napangisi dahil sa presensiya niya.






"Ang aga mo naman atang nagpakalango sa alak ngayon, haha. Ni hindi mo na ko hinintay bago ka nagsimula." banggit niya at umupo sa kandungan ko.





"Kanina pa kita tinext. Ikaw 'tong late dumating." banggit ko bago muling ininom ang alak sa baso ko bago iyon muling ibinalik sa mesa. Tama siya, medyo marami-rami na nga rin ang nainom ko kaya nakakaramdam na rin ako ng hilo.





"Alam mong may photoshoot ako ngayon kaya hindi ako makakaalis agad doon." banggit niya at nagsalin ng alak sa baso ko bago iyon mabilis na ininom bago muling humarap sakin. "Bakit ba ang aga mo ngayon? Ni hindi ka pa nga nakapagpalit ng uniform mo oh. Mamaya may makakita sa'yong kaklase mo dito, bahala ka.. Isumbong ka pa sa misis mo, hahaha." mapang-asar na banggit niya na talagang ikinainis ko.




"Tss.. Edi isumbong nila! The hell I care! Mas maganda nga yun eh, para maipamukha ko sa kaniya na hinding-hindi siya magiging masaya sa sitwasyon namin." banggit ko at ininom ang alak na isinalin niya sa baso.






"E bakit kasi hindi mo na lang hiwalayan? Hindi ka naman masaya sa kaniya, 'di ba? Bakit hindi ka na lang mag file ng annulment? May kilala akong magaling na attorney, matutulungan ka niya." nakangiting banggit niya na ikinatigil ko.




Annulment??





"Kapag nalaman 'yun ni daddy, malilintikan ako. Alam mo namang pabor na pabor 'yun kay Rita." banggit ko at iniyakap sa bewang niya ang kanang braso ko.




"Ano bang nakita ng daddy mo sa babaeng 'yun? Hindi ba niya naisip na ikaw yung anak niya pero mas pinaniwalaan pa niya yung hitad na 'yun? Nakakaloka yang daddy mo ha." sambit niya at yumakap sa leeg ko.





"Parang anak na rin ang turing ni daddy kay Rita mula nung mamatay ang papa niya. Kaya mas kinakampihan pa niya siya kesa sakin." banggit ko.




"Aww... kawawa naman ang baby." panunukso niya dahilan para simaaan ko siya ng tingin na ikinatawa naman niya.





"Hahaha. Ang sarap mo talagang inisin." natatawang banggit niya at dalawang beses akong binigyan ng mabilis na halik sa labi.



Until The Last Drop Of HopeWhere stories live. Discover now