Painful Warmth #19

5.3K 129 0
                                    

CHAPTER NINETEEN

Suicide

Gianna Suzanne's Point of View

Mabilis natapos ang examination kaya kaagad din akong nagpalit. We also called Lia earlier and like me, she was happy to see Tasia and glad about my pregnancy. They said na magiging Ninang sila ng anak ko.

I agreed kasi best friend ko sila. Kwinento na rin ni Tasia kung bakit naputol ang communication namin sa kaniya at dahil iyon sa nagkaproblema ang family nila. I'm so lucky to have them and we missed each other. We used to bond a lot before but now, we can't do it because I'm a rat waiting to be caught by a cat. Life isn't easy. Matapos namin siyang tinawagan ay kailangan nang bumalik ni Tasia sa Canada.

She met her fiancee in Canada. Pinakita niya sa akin ang picture niya. When I saw the man, I knew that he will be a good future husband to Tasia. Her fiancee is a lawyer and they were lucky to have each other. I can see the joy in her eyes earlier while telling us their story.

She was really happy and I'm glad because of that. Their wedding will be next year, it is a garden wedding and I hope na makaka-attend ako. I'm so happy na nahanap na nila ang mga lalaki na magpapasaya sa kanila habang buhay. Like Lia, si Rohan ang first love niya and last love.

"I'll see you in Italy," Tasia spoke and I just nodded at her. We hugged each other. Nalaman niya rin ang magiging plano ko.

"Thank you, Tasia. I'm hoping for your happiness," I softly whispered. Kapagkuwa'y humiwalay na kami sa isa't isa. She then smiled at me.

"You too, Suzy. Be well and take care. If you need help, don't hesitate to call me or Lia, okay? We'll do everything to help you," bilin niya na ikinatango ko lang. I guess it's goodbye now. Well, we changed numbers naman and promised to be in touch. Sunod ay binalingan niya si Laz na nakatayo lang sa gilid namin.

"Ikaw na bahala sa best friend ko, Laz. Sana ay nasa mabuti siyang kamay," she said that made me smiled. Ngumiti rin si Laz sa kaniya.

"Makaaasa ka, Tasia. Suzy is in good hands and she will be safe as long as I'm here," he replied that made my heart thump a bit. Nagtama ang mga mata namin ni Laz kaya umiwas kaagad ako ng tingin. I can't stare at him straight to his eyes. Nang makuha niya ang sagot ni Laz ay bumalik ang tingin ni Tasia sa akin.

"I'll go now," paalam niya na ikinatango ko lang. Hinatid ni Laz is Tasia sa labas. Huminga ako ng malalim at umupo sa sofa habang sinusundan ko sila ng tingin. I'm going to miss Tasia. Nakapa ko ang bulsa ko nang mag-ring ang phone ko.

Kaagad akong sinalakay ng kaba at dahan-dahan na tinignan ang caller ID. Nanlaki ang mga mata ko nang tumatawag si Mom. Sasagutin ko na sana ngunit bigla kong naalala si Adonis. Baka nasa bahay ngayon si Adonis at siya ang gumamit sa phone ni Mom para tawagan ako.

My fingers trembled as I long-press my power off button. I swipe down and my phone is off. Kahit gusto kong makausap sila Mom ay titiisin ko para hindi ako matunton ni Adonis. Ayaw ko nang bumalik sa puder niya. I want my own life. Sana nga ay ordinaryo lang ako na babae para hindi magiging ganito ang buhay ko pero I should be contented sa binigay sa akin ni Lord na buhay at pamilya. I didn't regret being a Fontanilla.

Hindi nagtagal ay bumalik na si Laz. Lumapit siya sa akin kaya tiningala ko siya.

"Do you want to take a bath? May spare na damit pa si Alyssa sa taas," he offered. Tumaas naman ang balahibo ko nang marinig ko ang pangalan ni Alyssa. Ngumiti ako sa kanya at tumango. I need to take a bath, feeling ko ay ang baho ko na. Ngumiti siya sa akin kaya tumayo na ako para sundan siya sa taas.

Binuksan niya ang kwarto at pumasok kami roon. Nakita ko na tinungo niya ang isang brown na closet. It's probably Alyssa's closet. He opened it and faced me.

That Sense Series #1: Painful Warmth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon