CHAPTER 38

6.3K 143 62
                                    


'Yesterday was amazing! Thanks for coming you saved me!'


Pumasok siya sa banyo at iniwan ang phone sa kama agad kong sinilip para tignan kung importante. Nag-salubong ang kilay ko nang mabasa iyon. Tinitigan ko ang pinto nang banyo kung agad din ba siyang lalabas pero mukhang naligo siya. 


Binaba ko ang phone niya at binalik sa saksakan. Maya-maya pa ay lumabas na siya na nakabalot lang nang puting tuwalya ang katawan. 


Nasa kama ako at pinutupi ang ibang damit habang pumunta siya sa closet. Kahit tahimik ako ay tila may gusto akong itanong dahil pabalik-balik ang tingin ko sa telepono niya na panay ang ilaw. 


"5pm to 5am kami ngayon." sabi niya at nag susuklay. 


Naka-yuko lang naman ako at abala sa mga damit. Inaayos niya lang ang buhok sa salamin. Ngayon sa loob nang isang linggo ay apat na beses lang siyang umuwi, naiintindihan ko naman dahil kailangan niya iyon. 


"Saan ka pala galing kahapon?" tumingin ako sa kaniya.


Nag-katinginan kaming dalawa sa salamin, tumaas ang kilay ko nang bahagya nang hindi agad siya naka sagot. 


"May pinuntahan lang kami kasama si Chief." sagot niya at umiwas nang tingin.


"Ganon ba?" ngumiti ako. Kahapon ang sabi niya ay wala siyang pasok dahil ipapagawa niya ang sasakyan. Huminga nalang ako nang malalim at nag-baba nang tingin, baka mali lang ang pag-kakarinig ko noong nakaraan.


Buong linggo naman siyang umuuwi ngayon pero tatlong oras lang nag itatagal niya dahil maaga ang pasok nila. Tuwing madaling araw ay nag-luluto narin ako para ipabaon sa kaniya. 


Alas-tres na nang madaling araw ay nag-babasa parin ako habang nahimbing na ang tulog niya, nakalimutan naring hubarin ang damit dahil siguro sa sobrang pagod niya. Tahimik lang siyang matulog lalo na kapag may kayakap na unan komportable siya sa ganon.


Tumayo ako saglit para hubarin ang sando niya baka matuyuan pa siya nang pawis sa likod. Hindi siya ganong kadaling magising kaya hindi niya nararamdaman ang pag-tatanggal ko. Kahit may aircon pa sa kwarto ay basa parin ang likuran nito. 


"Mag-kakasakit ka sa ginagawa mo." sabi ko. 


Patayo na ako nang tumunog nanaman ang telepono niya at biglang lumitaw ang message. Celrina: See you tomorrow!


Nagsalit-salit ang tingin ko kay Ralston at sa pangalan ni Celrina. Bakit pakiramdam ko ay may mga bagay siyang hindi sinasabi sakin, palagi niya bang kasama ito? Umiling ako habang nakatitig sa mukha nang asawa ko masyado siyang maamo kapag tulog, pinatay ko nalang ang phone at hindi pinansin ang message. 


Napapansin kong malapit siya dun sa Celrina, ayos lang sakin dahil alam kong ganon siya sa mga babaeng kakilala niya, mabait at maalaga. At wala naman akong dapat ipag-duga dahil malaki ang tiwala ko sa kaniya. 

Cover me, Detective (McMaster Series  #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon