Chapter 00

71 6 27
                                    

#RNFIL00

"Let's break,"

Dalawang salita.

Dalawang salita na ilang linggo ko pinag isipan kung sasabihin ko ba.

Dalawang salita na alam kong babasag sa puso niya. Pero sinabi ko pa din.

Gabi na ngayon at kahahatid lang niya sa'kin sa tapat ng gate namin. 

Confusion washed over his face.

Alam kong nagulat at naguguluhan siya sa biglang sinabi ko. Bahagya siyang tumawa.

"Phillene, you better stop telling jokes. Hindi nakakatawa," He forced a laugh.

But that laugh slowly fades when he realized I was serious.

Nagbaba ako ng tingin dahil sa takot ko na makita niyang maiyak ako. "I'm sorry, Yvo."

"Phillene," he called me using his deep voice.

God, kaya ko po ba 'to?

"I... I'm sorry, hindi ako nagbibiro..." Mahina kong sabi, natatakot na baka mabasag ang boses ko.

Naninikip ang dibdib ko at pinipilit na pigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Narealize ko lang na... hindi pala talaga kita gusto. Maybe, I got confused between love and comfort... I found comfort in you... not love."

Nanatili akong nakayuko at hindi nagtataas ng tingin sa kanya.

Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya habang sinasaktan siya sa mga sinasabi ko.

"I love you, Phillene." Mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko. "And I know you love me too... pero bakit ginagawa mo sa'kin 'to?"

"May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan? May nagawa ba akong kinainisan mo? Meron ka bang hindi nagustuhan sa ugali ko? Sabihin mo lang, babaguhin ko. Ano, Phillene?" Sunod-sunod niyang tanong.

Slowly, I removed my hands from his grip and shook my head. "Tama na, Yvo... Ayokong paasahin ka at ituloy pa 'to kung alam ko na ang totoong nararamdaman ko."

"Ayoko na," I paused. "Please, itigil na natin 'to."

This time, I looked up to him with teary eyes.

I swallowed the lump forming in my throat before continuing.

"Napapagod na 'ko, Yvo." My voice broke.

Natigilan siya.

"Did my Mom talked to you? Did she tell you to break up with me?" He suddenly asked.

Umiling ako. "Your Mom has nothing to do with this. Desisyon ko 'to,"

"Why... Why does it seem so easy for you to say those words?" His voice was strained and husky.

"Easy?" I scoffed. "Hindi ba pwedeng napagod lang ako subukang mahalin ka?" Parang kutsilyong sinasaksak sa akin ang bawat salitang lumalabas sa labi ko.

I bit my lower lip, now on the verge of crying.

"W-What?" Naguguluhang tanong niya. "You didn't love me... even just a bit?" Mas lalong nanikip ang dibdib ko nang makitang napaatras siya. "We were so happy earlier, tapos ganito... O siguro ako lang ang naging masaya kanina."

"Ang sakit mong mahalin Phillene. You made me fall for you and now, you're breaking my heart into pieces... You're hurting me emotionally but I... still love you." His eyes were bloodshot. Tears started flowing down his face.

Never in my life have I imagined him crying because of me.

He looks vulnerable in his current state.

Kung nasa ibang sitwasyon kami ay kanina ko pa siya nilapitan, niyakap ng mahigpit at sasabihing magiging ayos din ang lahat.

Kaso hindi.

"Pwede bang umalis ka na? Wag mo ng sayangin ang oras mo sa'kin."

"Itigil na natin ang kalokohan na 'to."

"What the hell... Kalokohan ang tingin mo sa kung anong meron sa'tin?! Phillene, I am damn serious about you!" Tumaas ang boses niya.

"Kahit kailan selfish ka pa din. If you didn't love me, sana hindi mo na lang ako pinaasa sa wala. Sana sinabi mo agad," A mix of pain and disappointment was visible in his face.

Wala akong nasabi at nagbaba na lang ng tingin. 

Pinakiramdaman ko kung lumayo na siya. Nang makita ko siyang lumayo at mabilis pinatakbo ang kotse niya, saka ko hinayaang tumulo ang luhang pinipigilan ko kanina pa.

Loving him was like chasing a dream that is impossible to reach.

Kahit na gano'n ay nahulog pa rin ako.

Sumubok pa rin ako kahit alam kong hindi kami magtatagal. 

Rule #1: Never Fall In LoveWhere stories live. Discover now