Chapter 31

2.5K 111 27
                                    

"She went around with a broken heart, and she wasn't sure who'd broken it. She thought it was herself, mostly." - Ann Brashares

Chapter 31

And I thought I'm already prepared to see them together, but here I am feeling the betrayal and pain again.

I bit my tongue so hard, para doon matuon ang sakit at hindi sa aking dibdib.

I saw Fifth watching me, like he's waiting for my reaction, na parang gusto niyang ipamukha sa akin na pinalitan niya ako, na parang gusto niyang pagsisihan ko ang pagtataboy na ginawa ko sa kaniya.

But instead of giving in to the pain, pinanatili ko ang matigas na ekspresyon sa aking mukha. I won't give him the satisfaction to see me in pain.

I watched my stepsister walk to us. Sa halip na si Fifth ang tignan ko ay siya ang binalingan ko, that way I will be reminded of the hate I have for her, para maitago ko ang sakit na dumudurog sa akin.

Pinanood ko ang paglapit niya kay Fifth at ang paglingkis ng kaniyang braso sa braso nito. Nakakairitang parang bumagal ang oras at masyadong detalyado ang mga nakikita ko. Even Col is now staring at my stepsister.

Alorica smiled at me wickedly. I didn't back down, sinalubong ko ang kaniyang mga mata.

"Hello sister,"

Seeing her right now reminds me of the few years of hardship I endured with her family. Ang pananakit nila sa akin ng kaniyang ina, ang pambabastos ng kaniyang mga pinsan at ang kababuyang ginawa ni Ryan. Her face reminds me of the pain I went through.

Sagad hanggang sa buto ang galit na nararamdaman ko sa kaniyang pamilya, para sa pagtatakip nila sa kasalanan ng pinsan, para sa pagkakait nila sa akin ng hustisya.

Kaya bago pa magdilim ang paningin ko ay bumaling na ako kay Coleen para yayain itong umalis na rito.

I saw how she looked at me in confusion. She doesn't know anything about my family, ang alam niya lang ay bumukod ako dahil anak ako sa labas, hindi niya alam kung sino ang pamilya ko.

"Let's go home Col."

Hindi ko na kayang bumalik pa sa loob, lalo pa kung doon din ang tungo ng dalawang nasa harap ko. Ayaw kong sirain ng tuluyan ang gabi ko.

"Ate? She's your sister?"

"Step sister Coleen," Alorica corrected her.

Coleen looked at her sharply at halos nabigla ako sa naging sagot nito, "I'm not talking to you bitch."

Alorica's eyes widened. Tiningala niya si Fifth na parang humihingi ng tulong.

"Coleen.." Fifth gave her a warning.

"I can't believe you Kuya, you dated Ate Nica and now you're dating her stepsister? Don't tell me hindi mo alam 'to, imposibleng hindi mo alam.." Coleen looks so triggered, mukhang nagkapatong-patong na ang iritasyon niya.

I sighed and held her arm to pull her away. Ayaw kong magkagulo dito. "Let's go home Col.." bulong ko.

Pagod na ako at medyo nakainom pero kaya ko pang mag-drive. Hinawakan ko si Coleen, desididong mailayo na siya pero natigilan ako nang nagsalita si Fifth.

"Leave her alone, Ice will take her home." Malalim at matigas ang kaniyang boses, napabitaw ako kay Coleen at nanghina.

"No, sasama ako kay Ate Nica, magsama kayo ni Ice, Kuya, pareho kayong jerk."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Bago pa maproseso ng utak ko ang lahat ng iyon ay hinila niya na ako pabalik sa Fiasco.

"Let's go Ate, kunin natin si Ate Zy at umuwi na tayo."

Late Night Devil (Completed)Where stories live. Discover now