The Black Phoenix - Prologue

933 18 0
                                    

Tin's POV

What do I hate the most about going to school? Break time.

Kung sa ibang estudyante, heaven ang mga oras na 'yan, pwes ibahin niyo ako. Kung pwede lang sanang maghapon ang klase... Kung pwede lang sanang nasa loob lang ako ng classroom... Kasi doon, ligtas ako.

"Go on, little rat. Run as far as you can..." narinig ko ang boses ni Kraig.

Putanginang demonyo 'to, di pa kunin ni satanas.

Mas isiniksik ko pa ang sarili ko sa cabinet na pinagtataguan ko. Nasa library kami ngayon at dahil lunch break, hindi nanaman mabubuo ang araw nila hangga't hindi nila ako nasasaktan. Mga literal na demonyo.

"Alam mo ba na madaling hanapin ang isang basurang tulad mo? Dahil kahit saan ka magtago, aalingasaw pa rin ang baho mo."

Matapos itong sabihin ni Kraig ay nagulat ako nang kumalampag ang pinagtataguan kong cabinet. 

Eto na ba ang katapusan ko?

Napapikit ako nang maramdaman ko ang malakas na paghampas niya sa cabinet. Ilang ulit pa iyong nangyari, halos malagutan ako ng hininga sa sobrang kaba.

Gusto ko lang naman grumaduate, pero bakit ako dinala sa impyernong 'to?

Narinig kong nag-ring ang bell, hudyat na tapos na ang lunch break. Doon lang ako muling nakahinga nang maluwag.

"Save by the bell, De Dios. Lumabas ka na riyan, baka mamiss ng mga prof natin ang paborito nilang tuta."

Narinig ko ang tawanan nila kasabay ang papalayong mga yabag, hudyat na paalis na sila.

Ako si Justin Laurent S. De Dios, isang biktima ng pangbubully. At ito ang araw-araw na buhay ko sa paaralan na ito. Gusto kong tumakas, tutulungan mo ba ako?

---




The Black Phoenix (SB19 KENTIN) 🔞Where stories live. Discover now