Chapter 4

1.3K 41 2
                                    

Chapter 4

"Beh anong nangyari? Bakit naman ang lungkot mo? Bakit bigla ka na lang iniwan ng mahal mo? Oi ang bestfriend ko talaga." Tudyo pa nya sa akin.

"Best tanga ba ako?" Bilang sagot ko.

"Hoy Lexa Gonzales ang napakaganda kong bestfriend ano na naman ba yang pinagsasasabi mo? Ganda ganda mo teh, tapos sasabihan mo lang na tanga ang sarili, mo! Haller ateng, bagong graduate tayo, ang saya saya nga natin kanina, ngayon daig mo pang hindi nakagraduate sa itsura mo na yan?" sabi n'ya sa akin, ng biglang nagbago ang tono at itsura n'ya ng nakita n'ya akong umiiyak.

"Lex, ano bang problema?" Nag-aalala ako para sayo." Umiling lang ako, habang patuloy na umaagos ang mga luha sa mga mata ko.

"Lex, hindi ka ok, bestfriend kita, kilala kita, ano bang problema? May sinabi ba si Luke na hindi maganda? Ano?" Sabi n'ya habang bumubuntong hininga.

"Harold." Sambit ko at bumuntong hininga. "Alam mo namang nanliligaw si Luke sa akin di ba?" Tumatango s'ya habang nakikinig sa akin.

"Oh, tapos." Sagot n'ya.

"Hindi ko s'ya sinagot tapos, sabi ko may boyfriend na ako, ikaw." Nagulat s'ya sa sinabi ko.

"Lex! Kaya pala ang lungkot nung tao, tapos magagalit pa sa beauty ko. Tapos, di ba mahal mo! Bakit ganun ang sinabi mo? Hindi mo man lang binigyan ng chance. Ano ka ba bakla!" Pag sesermon n'ya. Niyakap n'ya ako.

"So, ano ang plano mo? Hindi mo ba s'ya hahabulin? Gusto mo ako ang magsabi. Ako ang magpapaliwanag. Tahan na Lex, kaya mo yan ang puso mo. Ngiti na, mag-aalala n'yan ang mga magulang mo."

Pag-alo n'ya sa akin. Pinahid ko ang mga luha ko, "sige na nga tara na, baka nag-aalala na sina mama at papa at bigla na lang akong nawala sa tabi nila." Sabi ko na lang kay Harold sabay punas ng mga luha ko, at nginitian ko s'ya.

Lex

Umuwi muna kami sa bahay na tinutuluyan ko bago kami umuwi, ng probinsya. Namimiss ko na rin si kuya. Wala kaming sinayang na sandali, excited na akong makauwi.

Habang nasa byahe, bigla na lang nagsigawan ang mga tao. Napakabilis ng pangyayari, nakita ko lang sina mama at papa, hanggang bigla na lang nagdilim ang paningin ko, hanggang sa nawalan na ako ng malay.

My First Love Is My Secretary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon