Wattpad Original
There are 3 more free parts

Chapter 3

19.7K 853 543
                                    

HINDI AKO MAPAKALI KAPAG NANDITO SI TROY SA BAHAY AT NANDITO RIN SI ATE. Malakas talaga 'yong pang-amoy ko na pinagpapantasyahan ng mokong na 'to 'yong ate ko.

Subukan niya lang at malilintikan siya sa akin.

"Gabi na, umuwi na kayo," pagtataboy ko sa kanila. Tinatamad ako magkwento sa kanila at baka mas lalo lang nila akong asarin kapag nalaman nila lahat. "Gusto ko na rin matulog."

"Pre, hindi mo kasi nakita 'yong galit no'ng babae kanina! Parang gusto kang balian ng buto, e! Ano ba'ng ginawa mo do'n?"

Ang daldal ng lalaki na 'yon. Talagang nagsumbong pa siya sa girlfriend niya? At ano? Si Bee ang reresbak sa akin para sa kanya?

Sino ba ang lalaki at babae sa relasyon nila? Sa totoo lang, nalilito na ako.

"Ngayon lang may naghanap sa 'yong babaeng galit, JD," malumanay na sambit ni Marky. "Kadalasan, palaging fangirls mo ang naghahanap sa 'yo."

"Pre, malay mo naman fangirl talaga ni Papa Jeydon 'yon, ibang atake lang 'yong ginawa ngayon. Galit-galitan pero ang totoo, gustong-gusto niya naman 'tong tropa natin."

Hindi kasi nila alam ang totoo.

Ang totoo, sinaktan ko 'yong boyfriend niyang nerd kaya galit na galit siya sa 'kin. Sa lahat ba naman kasi ng magiging jowa niya, si Isaac pa talaga.

"Sabagay, sino bang makakahindi sa pogi nating kaibigan?"

Ang laki ng ngiti sa labi ni Troy pero alam kong gusto niya lang akong asarin. Matagal na kasi nilang pangarap na magkaroon ako ng totoong girlfriend. Ang sabihin nila, gusto lang nila akong ma-devirginize.

But no, hindi ako kagaya ng press release ng haters ko sa school. Hindi ako womanizer.

"Seryoso, kausapin mo na 'yong babaeng 'yon. Hindi ko gusto 'yong presensya niya sa tambayan natin. Parang anytime, mananapak siya."

Paano ko kakausapin kung galit 'yon? Malamang, ako pa saktan n'on. Baka pilipitin din niya 'yong kamay ko kagaya ng ginawa ko kay Isaac.

Psh! Stress talaga kapag usapang babae.

Paano kaya nagagawa ni Troy na magpapalit-palit ng babae kada buwan o paminsan isang linggo lang, iba na naman kasama niya?

"Ako nang bahala sa kanya bukas pero pwede ba, seryoso, gusto ko na magpahinga."

Hindi naman na sila nangulit sa akin. Alam naman nila kapag seryoso na ako. Kahit ang pinakamakulit sa kanila na si Troy, alam 'yon.

Pakiramdam ko, ang daming nangyari ngayong araw at pagod na ako kahit wala naman talaga akong ginawa.

Kinuha ko na lang ang phone ko at tumingin sa Facebook ko. Doon ko na rin naisipang tingnan ang Facebook profile ni Isaac.

Inialis ko na 'yong friend request na sinend niya sa 'kin nung first year pa lang kami.

Tiningnan ko agad ang profile picture niya at nagsalubong ang kilay ko dahil ang ex-girlfriend niya pa ang kasama niya rito. Hindi ba niya alam ang ugali ng mga babae? Ayaw na ayaw nilang may bakas ng ex-girlfriend mo sa social media mo at gusto nila, sila ang pinagyayabang mo sa pictures at videos.

Isa 'yan sa mga natutunan ko sa mga nagiging girlfriend ni Troy. Napag-aralan ko na ata halos lahat ng ugali ng mga babae.

Iba rin kasi ang taste nitong si Troy, paiba-iba kada buwan. Minsan gusto niya ng bad girl, minsan flirty, pero minsan gusto niya rin ng good girl. Pero wala ni isa sa kanila ang tumatagal.

Tiningnan ko pa ang iba niyang mga post at puro picture nga nila ng ex niya ang nandito. Hindi ko makita ang iba dahil naka-private na. Ayoko naman mag-send ng friend request sa kanya. Sabihin pa niya, ini-istalk ko ang profile niya.

Jeydon LopezWhere stories live. Discover now