Chapter 11

1.7K 50 2
                                    

HE lit up his cigarette while a dangerous grin is playing to his lips. Enjoying the beautiful view in his front. Habang ang katabi nya namang mga lalake ay napapailing nalang.

Who said that having an angel in his side can make him an angel too. The beast is already tamed by an angel but it is still a beast.

Niiling na nasabi ni Terrence sa isip habang nakatingin kay Loki na madilim ang mukha habang pinapanood ang isang gusaling nasusunog na pag mamay-ari ni Caleb Clark, nakakatandang kapatid ng kaibigan nilang si Genesis Clark na ngayon ay nakaupo habang nakapikit ang mata na tila wala itong pake sa nangyayari sa kapatid.

Loki's do the work to burn his building and it is him giving a punishment. He give no remorse to those person who did wronged on him.

"Stop staring at me Terrence baka isipin kong may pagnanasa ka sakin." napaismid naman si Terrence dahil sa pahayag ni Genesis na hanggang ngayon ay nakapikit pa rin.

"Wala kang kwentang kapatid di ka man lang concern sa kuya mo." sarkastikong sabi nya dito kasabay ng pagngisi niya dito.

"Kapatid my ass. He deserves it, kulang pa nga." bagot na sagot ni Genesis sa kaibigan habang si Loki naman ay napapailing nalang sa usapan ng mga kaibigan.

They can't  blame Genesis if he don't give a fuck to his family dahil alam nya naman ang pinaghuhugutan ng kaibigan. And he have no say about that.

Hindi man lang nahawaan ng kainosentihan ni Sister in law itong kapatid kong demonyo.

Anang isip ni Codi at hindi pinapansin ang usapan sa paligid habang tiim lamang na nakatutok ang mata sa nakatatandang kapatid. Masama naman syang binalingan nito ng tingin na ginantihan nya lang ng mapang-asar na ngisi.

NAGISING si Isla na ang bumungad sa kanya ay puro puting paligid. Ipinalibot nya ang paningin at napagtanto na wala na sya sa unang kwartong nakamulatan nya nang unang magising sya, sa unang tingin ay masasabing iisa lamang ang kwartong unang nagisingan nya at itong kinalalagyan nya dahil sa sobrang pagkakapareho pero hindi nakatakas sa paningin nya ang mga pagkakaiba nito. Hindi maaaring pumalya ang isip at mata nya sa ganitong aspeto. Wala na rin ang mga aparatong nakakabit sa katawan nya maliban sa isang karayon na nakabaon sa kamay nya.

"Dextrose." mahinang naibulong nya. Alam nya ang tawag dito dahil minsan nya na itong nabasa sa librong pangmedisina noong nasa isla pa sya.

Nakaramdam naman sya ng kaba ng makita nyang gumalaw ang seradura ng pinto ng kwartong kinalalagyan nya.

Maagap syang umalis sa kinahihigaan nya at nagtago sa ilalim ng kamang hinihigaan nya kanina lang. Nakita nya ang mga pares ng sapatos na pagmamay-ari ng mga di nya inaasahang bisita.

Sari-saring mura naman ang narinig nya mula sa mga ito.

Nakatakip ang dalawa nyang kamay sa bibig upang hindi makagawa ng kahit na anong ingay.

Kailangan kong makatakas.

Namimilog ang mata ng makita nya ang isang kamay na nakalahad sa kanya at hinihintay na abutin nya. Sunod-sunod naman ang ginawa nyang paglunok ng sariling laway dahil sa uri ng titig nito sa kanya.

Unti-unti namang namuo ang mga luha sa mata ni Isla nang mahawakan nya ang kamay ni Loki. Nang makalabas mula sa pinagtataguan at sinunggaban nya naman ng mahigpit na yakap ng binata na maagap naman syang nasalo dahilan upang parehas silang mapahiga sa sahig.

"S-saan ka nanggaling? Ba..bakit di mo k-ko niligtas?" tanong nya sa binata habang patuloy syang umiiyak sa bisig nito.

Hindi naman nakatakas sa pandinig niya ang mahinang pagmumura nito bago masuyong hinahaplos ng paulit-ulit ang buhok nya at kinakantalan ng magaang na halik ang kanyang ulo.

Cursed [FIN]Where stories live. Discover now