Chapter 1.Weird Day

8 0 0
                                    

"Yssa..!!, anak?
"gumising kana at tanghali na "




Hays...rinig ko agad ang malakas na boses ni mama na kumakatok sa pintuan ng kwarto ko, tiningnan ko ang oras sa alarm clock ko, "8:00am " na pala.Medyo tamad pa akong bumangon.Hmmm.Inaantok pa ako




"Opo,babangon na po "


"anak, aalis ako at mamalengke pa ko ,may pagkain na sa baba ,kumain kana dyan"

"Sige po, ma "



"Ingat po kayo" eh? wala na agad >.<




Narinig ko nalang yabag ng paa ni mama pababa ng hagdan.
"Hayss makabangon na nga"




Pagbangon ko dumiretso ako agad sa banyo syempre morning rituals ko,naghilamos at nagtoothbrush ako. After non humarap ako sa salamin."wow"ang ganda mo talaga yssa.hihihi"sabi ko sa akin sarili.Para akong tanga kinakausap sarili ko.Makababa na nga at baka gutom lang to.


Pagkababa ko ng hadgan pumunta na ako agad sa kusina.At kumain,sabado ngayon at wala akong pasok.Hindi ko pa pala napakikilala ang aking sarili.

Hi'im Ysabella Montreal. 17yrs old. Freshmen student sa Seoul International University.Dalawa lang kami magkapatid ni kuya Charles .Same kami ng school ni kuya. Si papa wala sya dito nasa ibang bansa nagtatrabaho.Si mama naman business woman,hihihi pero di tulad ng iniisip nyo ha.




Hindi kami mayaman. meron kami maliit na pwesto ng foodstall sa gwangjang market .Twing weekend natulong ako kay mama sa pagtitinda.Pag may pasok ako at maaga ako nakauwi nadiretso ako sa tindahan namin.



Saktong tapos na ako kumain,biglang may narinig ako nagbukas ng pintuan sa sala,baka siguro si kuya charles na yon. Iniligpit ko muna ang aking kinainan at pumunta na sa sala.

" Goodmorning Kuya,san ka galing" nakangiting sabi ko.


"San pa ba, eh di nagbasketball,bakit?" Sabay taas ng kilay ni kuya charles .

Problema non,sungit lang?Ay oo nga pala,tanga mo talaga yssa sabado ngayon at twing saturday practice nila ng basketball.Ganyan si kuya sa akin masungit minsan,may toyo kasi e. Hahaha joke lang. madalas lagi kami enemy parang aso't pusa pero mahal na mahal ako nyan.



"Si mama? tanong nya sabay upo sa may sofa.


"Umalis kuya, nagpuntang supermarket mamimili para sa ititinda mamaya" balewala kong sagot.



"Ah sige' sabay on nya sa Tv.i know manunuod naman sya ng NBA.Yun lang naman hilig ni kuya at yun ang sports nya.



Hindi ko nalang pinansin si kuya charles at lumabas nalang ako ng bahay.Makapasyal na nga lang sa park. Sabagay wala naman akong gagawin at isa pa mamayang hapon pa ang tinda ni mama .



Habang naglalakad ako papuntang park may nakita akong lalaki na nakatayo sa may tabi ng puno malapit sa may gilid ng ilog.Actually hindi sya kalayuan sa may park.Madaanan mo kasi sya pag pupunta ka doon.



Hindi sa chismosa ako kaso napansin kong nakatitig lang sya sa may tubig."Anong trip kaya ni manong"

Nasabi ko na lamang sa isip ko.Hindi ko na lang pinansin si manong at nagdiretso na ako sa paglalakad.



Ng malapit na ako sa park naisipan kong tanawin ulit si manong.
,ngunit nanlaki ang mga mata ko ng makita kong wala na yung mama sa kinatatayuan nya. Waaaaa?! Asan na yun? Sabi ko sa isip ko.


A thousand miles Where stories live. Discover now