Chapter 18

289 6 0
                                    

Chapter 18

Nangangalaiti si Amanda matapos ko siyang sagutin.

"You bitch! Ang kapal mo-"

"And who are you to call my sister such name?" I heard the familiar voice of my brother.

Hindi ko na namalayan ang pagdating niya dahil ang buong atensyon ko ay na kay Amanda.

Natigil siya sa pagsasalita ng unahan siya ng tanong ni kuya na kabababa lang ng sasakyan.

"Tinatanong ko kung sino ka at bakit ganiyan ka magsalita." Bago sa pandinig ko ang tonong iyon ni kuya.

Kahit pa nag-aaway kami ay hindi ko kailanman narinig ang boses niyang iyon. Mahinahon naman ang kilos at tono niya pero parang mas nakakadagdag lang iyon ng kaba.

"W-Who are you ba? 'Wag mo nga akong pakialaman!" Maging kay Amanda ay bakas ang pagkagitla kay Kuya Jeremy.

Matalim ang mga tingin ni kuya sa kaniya. "I just said it. I'm her brother. Now, answer me," my brother demanded.

Gusto ko na sanang pigilan si kuya sa pagtatanong at pakikipag-usap kay Amanda pero nanood lang ako. Kaya ko nama na ako ang makipag-usap kay Amanda pero ngayon ko lang din nakita si kuya na ganito. Hindi ko mailarawan ng mabuti kung galit ba siya o kalmado.

"W-Well," tumikhim si Amanda. "Well then I warn to tell you that you should discipline your sister b-better! Nilalandi niya lang naman ang boyfriend ko kaya dapat mo siyang pagsabihan!" paggawa ni Amanda ng kuwento.

Kinabahan ako na baka ganoon nga ang mangyari. Na ako ang balingan ni kuya at sa akin siya magalit.

Sinubaybayan ko kung magbabago ba ang reaksyon ni kuya ng dahil sa sinabi ni Amanda pero nanatili lang siyang nakatingin dito. Hindi natitinag.

"You can tell that your boyfriend is weak to temptations then, but... you can't say foul words or even make up stories about my sister. That's a cue for me forgot your a woman."

Nagulat ako sa sinabi ni kuya. Ebidensiya ang panlalaki ng mga mata ko. Maging si Amanda ay hindi na nakasagot pa at galit na umalis na lang ito. Hindi mo magawang lunukin ang laway na bumara sa aking lalamunan sa kaba.

Kuya's so serious. I don't have an idea that this is how he'd react when I'm in trouble. Wala pa din naman akong kinasangkutang gulo o away sa schoolI'm very grateful for my kuya.

"K-Kuya..."

Hinintay pa ni kuya na tuluyang mawala sa paningin namin si Amanda bago niya pinansin ang pagtawag ko. "Sinaktan ka ba niya?"

Umiling ako. Bukod sa masasamang pananalita ay hindi naman ako sinaktan ni Amanda. "Ayos lang ako, kuya."

"Sino ba iyon?" tanong niya.

Hindi na humigit doon ang tanong ni kuya. Sinabi ko lang ang pangalan ni Amanda at wala na siyang sinabi pa kahit na alam kong pamilyar siya sa apelyidong Vicencio. Ni hindi siya nagtanong kung bakit kami nagsasagutan.

Naging tahimik ang biyahe hanggang sa bahay. Akala ko ay sasabihin ni kuya kila Mommy at Daddy ang nagyari pero ng naabutan namin ang dalawa na nagkakape sa sala ay humalik lang siya kay Mommy at nakipagman-hug kay Daddy.

"Anak, how's school? Nahihirapan ka na ba sa mga subjects mo?" si Daddy.

"Hindi naman, Dad. Kaya ko naman po."

"Basta't magsasabi ka lang Ramona. We can always get a tutor for you."

This is the first time they offered me a tutor. Hindi naman sila masyadong nag-aalala sa mga grades ko. Hindi sila ang tipo na pipilitin akong makakuha ng matataas na grado. Siguro'y alam nila na talagang papahirap na nga ang mga subjects ko kaya sila nagsusuggest.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now