Conversation 26

350 18 0
                                    

Nagpasama ako sa isang maid para bumili ng stocks. Sinabihan pa ako ni Jungkook na isama yung limang guard para mabantayan ako dahil hindi siya pwede ngayon.

Napatawa nalang ako habang naalala ko iyon.

"Ah ate may bibilhin lang ako dun." Turo ko sa isang shop. "S-sir samahan ko na-."

"Wag na. Kaya ko." Ngumiti nalang ako. Hindi ko napansin na may lalaking halos sabay ko lang maglakad pero opposite ang pupuntahan niya.

Nabangga ko ito at nahulog yung dala niyang book. Agad ko iyon kinuha at iniabot sakanya.

"Sorry." Pagpapaumanhin ko pero nagulat ako sa itsura ng lalaking kaharap ko. Sobrang gwapo....

"Its okay." Ngumiti siya pero mas maganda padin ang ngiti ni Kookie.

"I'm Bogum. Nice to meet you." Pagpapakilala niya.

'Bogum.'

"T-taehyung. Nice to meet you too." Saad ko.

"You supposed to be Jeon Jungkook's boyfriend, right?"

Wait, bakit niya alam.

"You know, Jungkook and his family was too famous." Tumango nalang ako at akmang aalis na sana ng hawakan niya ang pulsuhan ko.

"Your so beautiful." Bigla ay nakaramdam ako ng pagkabigla at pagkakaba. Hindi ako kumportable na may ibang humahawak ng kamay ko.

"Baby, andito ka lang pala." Napatingin kaming dalawa sa nagsalita. S-si Jungkook.

Nakangiti siyang tumingin sa'kin bago dumapo ang tingin sa nakakapit na kamay ni Bogum sa kamay ko.

Inialis ko ang kamay ko. "So can we go home now? I just send yaya to go house."

Parang walang nangyari. Goosebumps. Iyon ang akala ko....

"Who's that guy!?" Pasigaw niyang tanong sa'kin.

"Hindi ko siya kilala." Sagot ko.

"Bakit niya hinawakan ang kamay mo?" Tanong pa niya uli.

"H-hindi ko alam." Tanging sagot ko.

"Kinuha ba niya ang number mo?" Dagdag pang tanong niya.

"Hindi."

"Huwag ka na uling didikit sa lalaking iyon! Kapag nakita kon-"

"Ano? Anong gagawin mo?" Naiintindihan ko kung bakit siya nagseselos pero sobra naman ata ang pagdidikta niya sa'kin, sobrang higpit niya sa'kin na halos masakal na ako.

"Mag-aaway nanaman ba tayo dahil sa selos mo?" Mahina kong tanong sakanya.

"Your making an argument! Dumidikit sa ibang lalaki tapos magsasabi ka na gagawa ako ng away dahil sa selos ko!?"

Puta...ina.

"Tangina kasalanan ko bang nabunggo ko siya at nag sorry ako? Kasalanan ko bang pinuri niya kayo pati ako? Kasalanan ko bang kinausap niya ako?" Hindi ko na napigilan ang hindi na sumigaw.

Magsasalita pa sana siya ng inuhan ko na ito. "Pagod ako kaya please... just a little minute... huwag mo muna akong pagsalitaan ng hindi ko kayang marinig mula sayo? Nakakasakit ka na kase e." Halos manghina ako sa huling sinabi ko.

Natigilan siya, mula sa galit na mukha ay napalitan iyon ng pag-aalala.

Walang gana akong pumunta sa kama at nahiga ng patalikod. Kinuha ko ang kumot at kinumutan ang sarili ko.

Hindi ko inaasahan ang gagawin niya. Padabog niyang isinara ang pinto pagkatapos lumabas ng kuwarto at mas lalo akong nasaktan nun. Kapag nag-aaway kami ay sinusuyo niya ako at hindi siya aalis ng hindi kami ng nagkakasundo pero umiba ang ihip ng hangin.

Ibinaon ko ang sarili ko sa unan at nagsimulang umiyak. Gusto kong may makausap tungkol sa nararamdaman ko pero sino?

Bigla akong napabangon ng mag ring ang phone ko.

Shyly Inlove with Mr. Jeon || TAEKOOK ✓Where stories live. Discover now