Conversation 28

363 19 0
                                    

2 chaps to go..☹︎♥︎

------

Nagising ako at puting kisame agad ang bumungad sakin. Nakita kong tahimik na natutulog sa sofa sina baekhyun, Jackson at Yiren. Napatingin ako sa lalaking nakasandal ang ulo sa kamay ko.

Iginalaw ko ang kamay ko. Bigla siyang napatingin sa'kin. Naiinis padin ako sakanya pero sa tuwing makikita ko ang mga mukha niya ay parang narurupok ako. Hahawakan ko sana ang kamay niya ng makaramdam ako ng sakit. Tinignan ko agad ang kaliwang kamay ko, may benda ito. Naalala ko ang ginawa ko kanina.

"Huwag ka munang masyadong gumalaw okay?" Saad niya at iniayos ang kumot sa katawan ko.

"Bakit ka andito? Wala dun sa kabet mo?" Diretsahang sabi ko sakanya na ikinagulat niya.

"Come on baby, wala akong kabe-."

"Eh bakit ka nakaakbay dun sa babae? At parang ang saya-saya mo pa?" Naiinis na tanong ko sakanya. He suddenly chuckled.

"It was Sihyeon. Naalala mo? Last month pa iyan. Ikaw pa nga ang nagpic saming dalawa. Tinuring na nating parang anak si Sihyeon diba. Hindi mo ba naalala?"

Sihyeon? Teka, sinong Sihyeon?

"Hindi mo siya naalala?"

Sa isang iglap ay hindi ko maalala kung sino ang lalaking nasa harapan ko. Pati narin ang dalawang lalaki at isang babaeng papalapit sa'kin.

"S-sino kayo?" Naguluhan sila bigla sa sinabi ko. "Hindi mo kami naalala?" Nag-aalalang tanong nung babae. Hahawakan niya sana ang kamay ko ng itanggi ko iyon.

"Sino kayo! Hindi ko kayo kilala!" Sigaw ko sakanila. Sumisigaw sila habang tinatawag ang nurse at doc. Patuloy padin akong nagpupumiglas hanggang sa napabangon ako sa kama.

Inilibot ko ang paningin ko. Napagising si Jungkook at nag-aalalang tumingin sakin. Sina Yiren naman ay nanatiling natutulog.

"What happened baby?" Nag-aalalang tanong ni Jungkook.

"N-nanaginip a-ako." Utal kong sabi at hinawakan ang ulo ko pero sumakit ang kamay ko. Nakita kong may benda ito at saka palang naalala ang nangyari.

Agad niya akong niyakap at isinandal ang baba niya sa ulo.

"Shh, it was just a nightmare." Pagpapatahan niya.

Parang nakaramdam ako ng biglaang pagkapatanag...dahil andito siya.

"Sandali." Sinenyasan ko siyang kumalas sa pagkakayakap sakibat agad niya iyong sinunod. "Sino yung kaakbay mong babae?" Halata sa boses ko ang pagkairita.

"Ah? Hahaha hindi mo ba naalala? Si Sihyeon yun. Diba las-."

"Jungkook. Jungkook. Jungkook. Jungkook. I love you. I love him. Jungkook. Jungkook. Kim Taehyung. Kim Taehyung." Napatingin ako kay Jungkook na ngayon ay takang taka na nakatingin sakin.

Iniayos ko ang pagkakaupo ko at napanguso. "Eh k-kasi baka makalimutan kita e." Nahihiyang sabi ko at napahawak sa batok gamit ang isa kong kamay.

"Makakalimutan mo tong mukhang to? Talaga?" Natatawang sabi niya kaya hinampas ko siya. "Boba." Nakangiti kong sabi. Totoo naman e, ba't ko naman makakalimutan ang mukha niya? Eh nag-iisa lang naman iyon at kung magkakaroon siya ng kakambal eh susunugin ko, joke.

"Oyyy gising na si Tata-nginaaa!" Sigaw ni Jackson. My eyes widened. "Ang ingay m- Tanginaaa!!" Sumigaw din si Baekhyun pagkatapos magising sa sigaw ni Jackson.

"Ano ba ang ing-Taaaeehyunggg!"

Dali-dali silang lumapit sakin. Nagbigay naman ng space si Jungkook para makalapit sila.

"Hoy na miss kita, mag-iisang buwan ka ng tulog." Nagulat ako sa sinabi niya, tinignan ko si Jungkook. Natatawa lang siya habang nakatingin sa'min.

"Joke lang, isang taon ka talagang tul-Arayy!" Hinampas ko agad si Jackson.

"Just a 1 week." Saad ni Jungkook kaya mas lalo akong nagulat. Ganun ba ako kahimbing matulog?

"Weh?" Natatawa kong sabi. Nakita ko namang seryoso ang mga mukha nila.

"Ba't mo yan ginawa?" Seryosong tanong sakin ni Yiren habang nakatingin sa kamay kong may benda.

"A-akala ko kasi may ibang babae s-si Jungkook." Nahihiya kong sabi. "Sino bang na-."

"Hindi ko kilala. Basta may tumawag sa'kin. Isinend niya yung pic ni Jungkook at Sihyeon. T-tapos si sinabihan a-ako na layuan si Jungkook. T-tapos...."

"Tapos?" Agad na tanong ni Jungkook.

'Kaboses niya si Bogum'. Hindi ko magawang sabihin sakanila, lalo na kay Jungkook. Hindi niya matitiis na hindi mahanap at baka mapatay niya iyon.

"Ano?" Tanong ni Yiren. "W-wala. Hehe." Pilit ngiti kong sabi sakanila pero hindi sila kuntento. Napabuntong hininga nalang si Yiren.

"Tara, may privacy ata." Sabi niya at tinapik ang balikat ni Jackson at Bekhyun. Magsasalita pa sana si Jackson ng pinagdilatan ng mata siya ni Yiren.

Ngayon ay kaming dalawa nalang ni Jungkook ang nasa loob ng kuwarto.

"Sino?" Umupo siya sa gilid ng kama, umupo ako at hinawakan niya ang kamay ko. "Promise hindi mo siya papatayin ah?"tanong ko. Tumango siya.

"Si Bogum." Saad ko, pakiramdam ko ay mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "T-tangina." He whispered. Tumayo siya at akmang hahalikan ako sa noo." Oh san ka pupunta?" Tanong ko.

"Gagawa lang ako ng pagkain mo." Hinalikan niya ang noo ko. "I love you." Saad ko. "I love you too." Pagkatapos niya iyong sabihin ay umalis na siya.

Sigurado ba talaga akong gagawa siya ng pagkain? Or...shit. Jungkookk!

Shyly Inlove with Mr. Jeon || TAEKOOK ✓Where stories live. Discover now