pasabay ako

3.9K 104 7
                                    

ako si ana 26 years old nagtatrabaho sa isang restaurant bilang waitress...

para makatipid bumili ako ng bike para hindi na ako mamasahe pag umuuwi

isang gabi sobrang daming customer sa min...at pagod na pagod na ako..

 mga alas onse na ng gabi ng makauwi kami...

dahil sa sobrang pagod, at takot na baka bigla na lang akong makatulog habang nag babike

napagpasyahan kong, dumaan na lang sa shortcut  para mas mabilis akong makarating sa amin...

oo may short cut  naman talaga na papunta sa min kaya lang iwas akong dumaan doon 

dahil  matatakutin ako at may madaanan kang sementeryo na sabi nila marami daw nag papakita  multo doon...

dahil pagod na ako  kahit takot..iitinuloy ko padin ang pag daan sa short cut....

totoo palang nakakatakot dito sobrang dilim..., wala man lang din  akong makasabay na tao na naglalakad sa daan....nagkamali pala ako ng desisyon na dumaan dito ...para na syang abadonadong lugar dahil wala man lang katao tao akong nakasabay.........

lalo ako natakot ng makarating sa parte ng sementeryo.....dahil...

....may nakita akong babae na naka uniform nakatayo lang sya doon sa may sementeryo na parang nag aabang ng mga dumadaan......

nang malapit na ako sa kanya nakita ko na basa ang katawan, nakatungo at gulo-gulo ang buhok.....

kinabahan na ako..dahil yapak din sya at madumi ang mga paa

alam kong hindi na yun tao kundi isang multo

dahil sa takot ko...binilisan ko ang takbo ng bike ko na hindi tumitingin sa kanya....

bigla ko syang narinig na nagsalita.....

PASABAY AKO !! 

 

ng malapit na ako hindi ko sya pinansin at  lumampas  na  ako sa kanya....

pero...............

biglang tumigil ang bike na dala ko pati ako hindi ako makakilos...

naramdaman ko na lang sa may likod ko na yung babaeng nakAUniform  papalapit na sa kin...

maya maya naramdaman ko na lang na may  biglang umangkas na sa likod ko, 

ang sabi nya ulit

PASABAY AKO.!!   ..mahina yun at nakakakilabot..

biglang umandar ang bike na sinasakyan ko ng kusa...takot  na takot na ako na umiiyak kasi para akong naparalisa dAhil hindi pa din ako makagalaw........tapos yumakap pa sya sa kin,  na lalong nagpaiyak sa kin sa takot...........pakiramdam ko ng gabing yun wala ng katapusan ang takot na nararamdaman ko......iyak na ako ng iyak...at nagdasal na sana bumaba na sya....

 maya -maya

biglang huminto ng kusa ang bike ko sa isang  bakante at lumang eskwelahan at nakita ko sa gilid ng mata ko na bigla syang bumaba...

lilingon pa  sana sya sa kin 

 pero........binilisan  ko na ang pagbabike ko  na takot na takot  ako na sumisigaw.

..pinangako ko na din  sa sarili ko na hindi na ako ulit dadaan sa short cut na yun kahit kelan........

tagalog horror stories by (kramish)Where stories live. Discover now