C h a p t e r - E l e v e n

849 36 8
                                    

dedicated to her. Thank you sa walang sawang pag comment at vote sa story'ng ito. Yay! I love you na! kekeke :">

C h a p t e r – E l e v e n

Habang tinatahank ko yung daan patungo sa waiting shed para maghihintay ng sasakyan pauwi ay pinagtitinginan ako ng mga tao. Why? Because I look like fucking awful! Alam kong nagkalat na yung mascara at eyeliner ko sa baba ng mata ko. At habang naglalakad ako ay umiiyak ako. Hindi ko ininda yung sakit ng paa ko dahil sa 3-inched stilettos ko.

Bago pa ako makarating sa waiting shed ay bumuhos na ang malakas na ulan. Great! Nakisama talaga ang langit sa kalungkutan. Cliché! Parang sa mga napapanood at nababasa ko lang sa mga books eh. Yung habang broken hearted ka at umiiyak tapos biglang bubuhos yung ulan?! I’d never knew this would happen to me. Dati tinatawanan ko lang yung mga bidang umiiyak sa gitna ng ulan. Tapos ngayon nangyayari na sa akin!

Para na akong tanga na nakatayo habang bumubuhos yung napakalakas na ulan. Okay na yung nandito ako. para walang makapansin na umiiyak ako. But everyone sees how devastated I am!

I stayed there at the middle of the rain, crying. Gusto kung mailabas ang nasa loob ko. Napatingin ako sa paligid kukunti na lang ang mga taong nasa waiting shed at naglalakad dahil nga sa napakalakas na ulan. Nagsisimula na ding tumaas ng kunti yung tubig sa kalsada. Traffic din. Alam kong nakatingin yung mga nasa loob ng sasakyan sa akin.

Natawa ako. Para na talaga akong tanga dito. Gusto kong tumawa ng pagkalakas lakas. Gusto kong tawanan yung sarili ko dahil sobra kong tanga! Pero bigla ulit akong naiyak ng marealize kong nakakaawa ako. Nakakaawa dahil lagi na lang akong nasasaktan.

“Ano to feeling mo nagsho’shooting ka?” napalingon ako sa nagsalita sa likod.

Anong ginagawa niya dito? Andito siya para ipamukha sa aking talo na naman ako? Para ipamukhang walang nagmamahal at magmamahal sa akin?

“Nasaan yung magaling mong bestfriend at hinahayaan ka niyang nakatayo dito sa gitna ng napakalakas na ulan?” may bahid ng inis yung tono niya.

I laughed. “He’s with his girlfriend. Nakakaawa ako ano? Napagiwanan na. Haha.” Kahit tumatawa ako ramdam ko pa rin yung mainit na likido na umaagos sa pisngi ko.

Akmang lalapit siya sa akin para sana payunga ako ay pinigilan ko siya. “Pabayaan mo na lang ako Namjoon. Okay lang ako. Kaya ko to.” Tumalikod na ako. pero bago pa ako makaisang hakbang ay biglang nagdilim ang paligid ko. At hindi ko na alam ang sumunod…

**

I wake up feeling numb. Wala akong maramdaman. Pero nung igalaw ko yung kamay ko ay doon ko naramdaman yung sobrang sakit ng katawan ko. At yung sakit ng ulo ko na para bang may nakabaon na palakol.

“Thank God gising ka na Ayu! Halos dalawang araw ka ng tulog, anak. How are you feeling?” tanong ni mama na bakas sa boses ang sobrang pag aalala

Wait. Two days? Two days na akong tulog? Kumusta naman yun? Na coma ng dalawang araw? Nagpaulan lang naman ako ah.

Lucky I'm Inlove With My Bestfriend [BTS-JHope FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon