Harana

86 4 61
                                    


Lita di ko na alam ang nangyayari,

Bagong pag ibig ay di ko na mawari

Diko na kilala ang aking sarili

Ako o may bago nang nagmamay ari?


"Sa simpleng harana ika'y maging akin"

Eto na at aking muling aaminin

Mga dating pighati ay sasabihin

"Magandang dalaga ika'y mapaakin"


Puso'y naglalakbay patungong hilaga

Aking pag-ibig ay nagmumukhang mapa

Isip ko'y nagkukubling ika'y makita

Ilang oras, ikay aking makasama 


Ginoong Marcelo 'wag kang mag alala

Aking harana'y dalagang napasaya

Itong gitarang nagdala ng tadhana

Ikaw at ako maging munting harana

HaranaWhere stories live. Discover now