the shocking truth part 2

16.2K 424 4
                                    

Nagulat si Noah nang dumating sa Hacienda. The whole family is there.

"Hey, andyan na pala ang bida sa gabing ito" sabi nang pinsan niyang si Sancho. At napansin na siniko ito ni Ivannah. Napakunot noo naman siya.

"Hey, bakit kayo nandito?" tanong niya.

"Lolo asked us to be here. i believe it has something to do with the ownership of the Hacienda."

Nagkibit balikat lang siya. Kumuha siya nang maiinom sa bar nang mapansin niya ang isang binatilyong papasok sa isa sa mga guest room. Kamukha ito ng kapatid ni Marie. Pero imposible dahil iniwan nito ang bahay na binigay niya. He fucking doesnt know kung nasaan ang pamilyang yun. Nilagok niya ang iniinum niyang alak at sinabi sa sarili na he will marry the girl his lolo chose.

"Since everyone is here, pwede bang pumasok tayo sa study room ni Senyor Dado" ang paanyaya ng abogado nila.

Nang nasa study room na ang lahat ay binasa na nito ang sulat ng lolo niya na nagsasabi na ang 30% nang hacienda ay pagaari na nang apo ng matalik na kaibigan ng lolo niya. Hindi naman ito nakakagulat dahil matagal na nilang alam yun. Matagal ng hinahanap ng lolo niya ang mga ito and he is happy na nakita na ng lolo Dado niya ang pamilya ng matalik nitong kaibigan. Sinabi din nito na ngayong gabi ipapakilala sa kanila ang bagong business partner nila.

Napansin ni Noah na tumayo si Sancho at pumasok naman ang lolo niya. Nagsalita ito.

"Ayoko sana may ibang humawak nang pamamalakad sa hacienda kaya naisip ko na ipakasal ang isa sa mga apo ko sa apo ng matalik kong kaibigan. Si Noah ang una kong kinausap pero gumawa pa ito ng kalokohan para palabasin na may nobya siya."

Nagulat si Noah.

"Una pa lang alam ko na. You can never fool me apo. So kinausap ko si Sancho and he readily agreed lalo na nang ipakilala ko sa kanya ang mapapangasawa niya. To my surprise, they like each other. So hindi sila mahihirapan sa magiging magasawa nila. And now let us welcome to our family the soon to be Mrs. Levine."

Nahulog ang basong hawak ni Noah at walang kaabog abog na binigyan niya ng isang malakas na suntok si Sancho.

"You will not marry her. She is mine. At ikaw all this time nandito ka lang sa Hacienda. You dont fucking care about my feelings." hinila niya pakaladkad ang babae at halos mahimatay siya nang marinig ang sabi ni Sancho.

"She is pregnant you fucking asshole"

Buntis si Marie kay Sancho kaya magpapakasal sila.

Is he late?

Hindi inaasahan ni Marie na ganun ang mangyayari. Well hindi nila inaasahan na ganun ang magiging reaction ni Noah. Wala sa plano nila na suntukin ni Noah si Sancho. Gusto lang nila makita ang reaction ni Noah kung magpapakasal siya sa iba. Pakaladkad siyang hinila ni Noah kaya di na napigil ni Sancho na sabihing buntis siya. Pagkarinig ni Noah niyon ay umalis ito at iniwan siyang lumuluha.

her first everything, his last everythingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora