CHAPTER 22

4 2 0
                                    

A song

Hindi na napawi pa ang ngiti sa aking labi, ni hindi na din natanggal ang tuwa sa aking puso dahil sa mga nangyari kanina.

Maybe a lot of people will say that I'm too young for this, I don't know much about love, I'm not capable of handling a relationship.

How?

Isipin mo nga, paano matututo ang isang tao sa pag-sayaw kung wala siyang kapartner para turuan siya para matuto?

Just like me, how can I learn to love if I do not try to experience loving someone?

Alam ko din na parang masyadong mabilis, pero wala, e. Tinamaan ka na talaga...

Hindi ko na lang masyadong inisip ang mga iyon, pinalaya ko na lang ang isip ko sa mga kwestiyon na tanging ako lang naman lagi ang makakasagot.

"Oh? Ngayon ka lang," anang Denver.

"Yes." tanging sagot ko.

Hindi na nila itinanong kung nakakain na ba ako o hindi. Ayos lang naman dahil kapag sinabi kong hindi, baka isuka ko lang ang mga iyon dahil sa dami kong nakain kanina kila Gus.

Umakyat na ako sa aking kwarto dahil lahat sila ay may kanya-kanya nang mga buhay muli.

Si Trevor na naka-tapat sa kanyang phone at walang tigil sa kapipindot doon, naglalaro siguro 'to. Si Papa naman ay may kausap sa telepono, habang si Denver naman ay hindi magka-intindihan sa kanyang hawak na papel at sa laptop na nakaharap sa kanya.

Wala din naman akong makaka-usap sa kanila kaya umakyat na ako.

Pagka-sarado ko ng aking pinto ay kaagad kong ibinagsak ang katawan sa aking kama. Panandaliang tumitig sa kisame at saka naisipang kunin ang gitara at umawit.

Ipinikit ko lang ang mata at dinama ang bawat pitik ko sa gitara. Ni hindi ko alam kung anong mga chords na ang tinatamaan ko, basta ang alam ko lang ay nagiging payapa ako habang tumugtog sa kawalan.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa ganoong ayos. Kaya nang magising ako sa umaga ay nakapatong ang gitara sa tiyan ko at ladlad ang paa ko sa sahig habang ang kalahating katawan ay nakahiga sa kama.

Nang imulat ko ang mata, nasilaw ako sa liwanag ng araw. Sumakit ang ulo ko at tila nanghina bigla, hindi ko alam pero parang bigla kong naisipang isuka ang kinain ko kahapon sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko ay sobrang hina ko ngayon, nanlalambot ako habang naglalakad papunta sa kama ko.

Ipinkit kong muli ang mata ko saka nakatulog muli.

Nang magsing akong muli at nilibot ang mata sa kabuuan, napansin ko kaagad ang dalawang tray sa side table ko. Naabutan ko pa si Nanang Emma na papalabas pa lamang ng kwarto ko at mukhang kalalagay lamang ng pangalawang tray na may laman na pagkain.

"Nang, anong oras na?" tanong ko.

"Naku, hija! Ala una na, kanina ka pa raw tinatawag ni Trevor pero hindi ka daw sumasagot at baka tulog ka pa dahil pagod ka kahapon." anang Nanang Emma.

Ngayon ko lang napagtanto na mahaba na naman ang oras ng naging tulog ko. Binalewala ko na lamang at inabot na ang pagkaing nasa side table.

"Is this normal?" tanong ko sa sarili bago sumubo ng pagkain.

Nagkibit balikat lamang ako.

Ngunit ganoon na lamang ang naging reaksiyon ng tiyan ko nang malasahan ang pagkain. Masarap naman pero bigla akong nawalan ng gana.

Pilit kong ipinapaalala sa sarili ko na kailangan kong kainin ang pagkain na ito upang lumakas ang resistensiya ko pero parang ayaw talagang tanggapin ng tiyan ko ang pagkain.

I Wish It Was RealWhere stories live. Discover now