Chapter 1

6 0 0
                                    

"Maayos ba?"

Inirapan ako ng kapatid kong si Katie. "Ate, pang-ilang tanong mo na yan? Siguro mga pang-20 na. Oo nga diba?"

Huminga ako ng malalim, paano pag di nila ako magustuhan? Hindi na ba nila ako bibigyan ng chance? Ipapalayo ba nila ako kay Ylone?

"Ate I know what you're thinking," sabi ni Katie, ang nakababata kong kapatid, she's in her 8th grade already. "Don't be nervous, hindi ka naman nila papalayasin if napangitan sila sayo or what."

"I know, kinakabahan lang talaga ako."

Syempre sinong di kakabahan? Birthday ng mommy ni Ylone at ipapakilala niya ako sa buong family niya, malamang maiilang ka at mapapaisip na baka hindi ka nila magustuhan.

"Ate stop na! Nakita ko na si Kuya Ylone sa baba! He's waiting for you kanina pa." aniya habang hinihila ako pababa.

Nagsuot ako ng pleated skirt at purple na cardigan, pinaresan ko iyo ng white sneakers at butterfly gold necklace.

"Ate wag na mag-overthink ha?" binatukan ako ng mahina ni Katie. "Birthday celebration lang, parang meeting the parents pero hindi pa naman kayo magpapakasal. Dzuh."

Umirap ako sakanya. "At ikaw, kung maka-asta ka parang andami mo ng alam ah? Umayos ka."

Inirapan niya ako pabalik. "I know!"

"Kuya Ylone!"

Napangiti ako, kung ako kinakabahan, si Ylone hindi na. Close na sila ni mommy dahil maayos at mabait ang pakikitungo niya sa family ko, naging way yon para magkaroon ng tiwala si mommy kay Ylone.

"Hi Katie, here's your ice cream,"

Binatukan ko si Katie, ang babaeng to! Tumingin siya sa akin ng nakokonsensya, yung tingin na parang may ginawang mali.

"Kaya pala ang galing mag-advice." binatukan ko siya. Kaya pala ang galing, may kapalit pala kasi na ice cream!

"Duh! Pasalamat ka tinulungan pa kita, o siya, may kakausapin pa ako." tinanggal niya ang unting dumi sa sapatos ko. "Kuya salamat dito! Babush!"

Umakyat kaagad ang bruha sa taas dala yung ice cream, pagtingin ko sa kusina, andon si mommy, papunta na dito sa sala at may dalang box.

"Pakisabi sa mommy mo, 'Happy birthday', ginawa ko itong brownies sakanya."

Nahihiyang tinanggap iyon ni Ylone. "Tita, sana hindi na po kayo nag-abala."

"Ano ka ba! Okay lang! Tsaka it'.s her birthday naman kaya gift ko na yan sakanya."

"Salamat po dito." tumingin sa akin si mama at hinalikan ako sa pisngi, alam ko na ang pinahihiwatig niya. "Iuuwi ko po ng maaga si Hazel. I promise."

"Mabuti naman kung ganoon, mag-iingat kayo."

Tumango si Ylone at hinawakan ang kamay ko, nakaramdam kaagad ako ng kilig sa ginawa niya at nagpatianod sa hawak niya.

Ganito naman talaga palagi ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya, napapangiti nalang ako ng palihim kapag hawak niya ang mga kamay ko.

Pagka-sakay sa kotse, kaagad niyang hinalikan ang pisngi ko, namula ako kaagad at tumingin sa bintana ng kotse niya habang iniistart niya ang kotse niya, nakita kong natawa siya sa naipakita ko.

"Ano ba!" naiinis kong sabi. "Kainis ka!"

"Fine, I miss you."

"Miss?" natatawang sabi ko. "Kakakita lang natin kahapon ah? Parang kala mo naman isang linggo tayong mawawala."

"Oo, ganoon kita kamiss."

Napangiti ako at hindi nalang nakipag-talo, ako lagi ang talo pagdating sa ka-sweetan ni Ylone, palagi kasi akong natatameme sa mga pinagsasabi niya kapag lumalaban pa ako kaya nananahimik nalang ako.

Mabilis lang kaming nakarating sa bahay nila, ito na naman ang mini heart attack ng puso ko, kaagad akong kinabahan ng binuksan niya ang pintuan ng kotse niya para makalabas ako.

"Ylone.. Kinakabahan ako."

Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti. "Relax, hindi naman kita pababayaan." sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Besides, mabait sina mommy't daddy. Hindi ka nila kakainin."

Natawa ako sa sinabi niya at medyo na-ease ang kaba ko, pero syempre, bumalik ulit 'yon pagkapasok namin sa malaki nilang bahay.

May kalakihan ang bahay namin pero di hamak na mas malaki ang kayna Ylone, unang bubungad sayo ang dalawang hagdan at malaking chandelier sa gitna, malaki ang sala nila na para kang nasa palace, dinala niya ako sa left side kung saan may nakalagay na mga pictures sa malaking cabinet kaya tiningnan ko 'yon.

"Ang gwapo mo na pala talaga kahit noon pa."

Nakita kong namula siya at napakamot ng batok, natawa ako, ganito palagi ang effect ko sakanya kapag binibigyan ko siya ng compliment, napatingin ako sa ibang pictures.

May kasama siyang dalawang lalaki, napakunot ang noo ko don. "Mga kapatid mo?"

Tumango siya. "Yung nasa left side, si kuya Yale, sa right side si kuya Dlort, bestfriend ni kuya Yale, anak siya ng kasambahay namin dito."

Napatango ako at napatingin sa mukha ng dalawa niyang kasama, medyo kahawig niya ang kuya Yale niya pero mas matangos ang ilong ni Ylone, napatingin ulit ako sakanya na hinihintay ako.

"Mamemeet ba natin ang kuya mo?" tanong ko.

Tumango siya.

Mas lalo tuloy akong kinabahan, kapag tinitingnan ko kasi ang picture palang ng kuya niya, kinakabahan na ako, I knew I met him somewhere.

"Tara na." sabi niya at hinila ang kamay ko.

Habang papalapit kami, nakarinig na kaagad ako ng ingay, mas lalo akong kinabahan doon, ng makalapit na kami, nakita ko ang tingin ng mga tao doon.

"Siya na ba yan, Ylone?" narinig kong tanong ng matangkad na lalaki, nakaramdam ako ng takot sa baritono niyang boses, nakita kong tumango si Ylone.

"Oh my gosh!" may tumakbong babae sa akin na may maikling buhok at petite na katawan, maputi din siya at may katangkaran. "Finally! Na-meet ko na ang magandang girlfriend na iknikwento ng anak ko."

Nmaula ako sa nalaman at nahiya. "Ah, good morning po, happy birthday!" bati ko at ibinigay ang regalo ni mama sakanya.

"Oh, thanks for the gift!" ngumiti siya at tinapik ang balikat ko, tumingin siya kay Ylone na nasa likod ko. "You pick a great girl anak, don't lose her."

Natuwa ako sa narinig at medyo na-ease ang kaba, akala ko hindi ako magugustuhan ng mama niya! Plus points din sa regalo ni mama.

"Oh, brownies!" natatawang sabi. "This is my favorite dessert back then."

Tumango ako at natawa, pansin ko ang mga unting pasulyap-sulyap ng mga katulong sa akin ni Ylone, nginingitian ko nalang sila at ngumingiti din sila pabalik.

"Welcome to the family, iha." sabi ng papa niya.

-------

This is the second story for Garcia  Series, sana masuportahan niyo po 'to hanggang dulo!

Thank you so much!

Lovelots.

P.S: marami po akong grammatical errors at typos sa unang story ng series na 'to, kapag po natapos ko na lahat ng entry for this series, ire-rewrite ko po lahat at tatanggalin ang ibang mali.

-Sendreya.



Confused Mind or Confused Heart? (Garcia Series 2)Where stories live. Discover now