Chapter 1: The Encounter

0 0 0
                                    

CRINGGGGGG!!!! (malakas na tunog ng alarm clock)

Shit! Late na ako!!!
    napabalikwas ako sa higaan habang sinusubukan patayin ang alarm ko.

Ate maliligo na ako. yung uniform ko nakalimutan ko ayusin,pakiplantsa naman.......

Ikaw talaga Mich! sinabihan na kita kagabi na ayusin mo yang gamit mo! kababae mong tao!!!!

   Tumakbo na ako sa banyo at hinayaang magbunganga si ate...

Naku patay first day of school late ako.... sa sobrang excited ko di na ako halos nakatulog...kailangan ko bilisan...

Oh!Ayan na damit mo! magpaalam ka dun sa amo natin bago ka lumayas ha!!
   masungit na salubong sa akin ni ate sa banyo

Ako si Michelle Bago,isang working student at namamasukang stay in secretary dito sa makati. Ang ate ko naman na si Betty ay namamasukang yaya sa anak ng amo ko. Pareho kaming stay in sa bahay ng amo namin. Laking probinsya kami at dahil sa kahirapan,naisipan naming lumuwas dito sa manila at magtrabaho nalang.
Ngayong araw na to ang unang araw ko sa college. Oo,pinayagan ako mag aral ng amo ko! ang saya di ba! kaya tara na tingnan natin anu mangyayari sa akin ngayon!

Naku patay!!!!! 5 minutes late na!!!
Asan na ang tricycle!
    di mapakaling paghihintay ko sa tricycle terminal

Ayun!manong manong sa may DAB College po tayo!! paliparin niyo na po!!
   kitang kita ko ang tawa ng tricycle driver sa mga sinasabi ko.

Oh my God! na traffic pa yung tricycle sa daan buti nalang mabilis magpatakbo si manong at nakarating din..ayan na nakikita ko na yung entrance sa school! Ay wait! bakit ang dami students sa labas???
   dahan dahan akong naglalakad habang nagpupunas ng pawis palapit sa school entrance

Ang daming studyante, parang magkakakilala sila lahat. May magiging kaibigan kaya ako dito? Taga probinsya lang ako.Pero hindi wala sa lugar yan. kaya mo yan Mich.
   bulong ko sa sarili

Hooyy! Jeeddddd!
   isang malakas na boses ng lalaki na narinig ko sa aking likuran

Hoy! Bakit di pa kayo pumapasok?
   dagdag na sabi ng lalaki

   Lumingon ako at..

Hala! May grade 1 na nawawala dito!
   natatawa kong sabi sa aking sarili

Nakakaloka naman si kuya. Parang isang taon na di nagpagupit. Ang haba ng buhok. Naka uniform pero parang aattend ng binyag ang pormahan kasi di katangkaran tapos maluwag ang suot ,ang ingay pa!Kamuka niya din yung kaibigan na tinatawag niya. Dedma!
   ang nasabi sa sarili

Pasok na lahat! (sigaw ng guard)

Yes! Buti nalang kahit late,di naman halata haha

Pagpasok sa classroom: Hala! Andito yung bata,este si kuyang maingay kanina! Classmate ko pala siya. Lord Sorry,karma na ba agad to.

Nag start na ang class at syempre as usual,getting to know each other.
So ayun nalaman ko 2nd semester na pala ni kuya maingay kanina,octoberian student sya. And Paul ang pangalan niya.

Lunch time na at walang canteen sa school kasi maliit lang eto.Hindi ko alam saan ako kakain haysss...

Uy,Mich di ba?
   boses ng lalaki na narinig ko mula sa likod

Lumingon ako at nakitang nakangiti habang nakaharap sa akin si Paul.

Uy! Anu yun?
   sagot ko sa kanya

Pakisabi sa ibang kasabayan mo na mga new students maraming kainan sa likod ng school kung gusto nila makatipid.Salamat.
  sabay takbo palabas ng classroom

Ah okaayy!
Inutusan pa ako. Mahiyain na nga akong tao inutusan pa ako. Hay! Pero no choice buti nalang sinabi niya sakto lang din pera kong dala.

Lumabas ako at hinanap ibang kasabayan ko na new students at pasalamat nalang ako nasa entrance pa sila at sabay kami kumain sa karenderya sa likod ng school.

Natapos ang buong araw ko na puro getting to know each other lang sa lahat ng subjects ko. Pero,ang saya ko! Matagal ko ng pangarap makapag aral sa isang private school at kahit hindi sikat,masaya na ako dun. Umuwi akong may bakas na ngiti sa aking mukha.

Habang pauwi na, pang dalawahang tao na nasakyan ko na tricycle para makatipid.

Ako na magbabayad!
  sabi ng katabi ko

Paul??!!!!
  gulat na gulat kong sagot sa katabi ko

to be continued.....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maybe It's youWhere stories live. Discover now