chapter 1 ➤ The 'Awaken'

84 3 2
                                    

“ HOY ROSAS! TANGHALI NA!! “

Siniksik ko yung mukha ko sa unan, umagang umaga ang ingay ng batang ‘to. Yes, bata pa siya dahil elementary student palang siya at high school na ko, sadyang mas matured lang sakin yung kapatid ko. and no, hindi rosas ang pangalan ko. kung hindi Allisa Rosette, kaya rosas tawag niya sakin dahil sa rosette ang pangalan ko.

Pagka bangon ko ay dumeretso ako sa bintana kong puno ng mga halaman, hindi ko alam kung bakit pero kumakalma ako pag may mga bulaklak o halaman sa paligid ko. nilanghap ko ang hangin na galing sakanila bago diligan na kasama na ata sa morning routine ko

Naligo na ko at nag ayos ng sarili, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Masyadong maputi ang balat ko kumpara sa iba at natural na kulay pula ang buhok ko. Kaya daw rosette ang binigay na pangalan sakin ng aking ina ay dahil sa kakulay ng rosas ang buhok ko, kasing pula nito ang bulaklak at kasing ganda rin sabi pa nila

Pero patay na ang nanay ko ilang taon na ang nakakaraan kaya hindi niya alam kung gaano ako nag hihirap dahil sa buhok ko. Ang tatay ko naman ay hindi ko alam kung nasaan na, matagal ko na siyang hindi nakikita at kahit kailan ay wala akong narinig na balita tungkol sakaniya

Bumaba na ko at nakita kong nanunuod ang kapatid ko, tuwang tuwa siya habang tutok na tutok ang mga mata sa telebisyon. Iisa lang ang dahilan kung bakit siya nagkaka ganyan—

“ and superman saved the day! “

Sobrang lawak ng ngiti ng kapatid ko at halos pumalakpak pa siya, nag punta na lang ako sa kusina para kumuha ng pagkain ko. kitang kita ko mula dito kung paano kuminang ang mga mata niya sa tuwa kahit na tapos na ang balita

Siya si Frost, ang kapatid kong mahilig sa mga superheroes. Normal kasi dito sa superia city ang mga superhero na may kakaibang lakas o abilidad kumpara sa aming mga normal lang kaya todo asa naman sila sa mga ito at kasali na doon ang kapatid ko.

Pero hindi ako, para sakin ay hindi ko kailangan ng tulong nila. Dahil kung talagang totoo silang tagapag ligtas ay sigurado akong kasama ko pa ngayon ang nanay ko.

Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko na ang bag ko at dumeretso sa pinto,

“ alis na ko frost! “ sabi ko habang nag susuot ng sapatos. Tumango lang siya nang naka tutok pa rin ang atensyon sa pinapanood. Tuwing hapon kasi ang klase niya kaya mag isa siyang naiiwan sa bahay, kumpara sa akin ay normal ang kulay ng buhok ni frost. Kulay itim ito na umaabot lang sa balikat niya

pagka pasok ko sa school ay agad kong binati ang gwardya,

“ good morning manong!! “ masayang sabi ko at ganoon din naman siya sa akin, may edad na siya pero sobrang bait niya kaya siya lang ang tinuturing kong kaibigan dito sa paaralan.

Napuno nanaman ng bulong-bulungan ang paligid ko nang dumaan ako, kesyo hindi daw ako normal, na kakaiba ako dahil sa buhok ko. ako lang kasi ang nag iisang kulay pula ang buhok dito at lahat sila ay natural na itim o brown kaya pahirapan pa bago ako makapag aral dito

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Superior Academy: School for SuperheroesWhere stories live. Discover now